Chapter 19

61 0 0
                                    

Chapter 19

"I want to join!" Nakangusong nagiinarte si Kyla. Magkakasama kami ngayon sa bahay nila.

"O, akala ko ba ay ayaw mo sa business?" Nagtatakang tanong ni Ralph sa kanya. Umirap si Kyla.

"Hindi naman kasi business ang aatupagin nila doon. Knowing Shanelle Louise Zamora? Napapayag lang 'yan ni Tita dahil nalaman na pwede niyang libutin ang Mindanao!" Natawa kaming lahat sa sinabi ni Kyla.

"Naggi-giyera na nga doon, e?" Nakakunot noong sinabi ni Kian.

"Davao's miles away from Marawi, kuya. Stop overreacting."

"Aattend ka ba sa mga meeting, Shane?" Tanong ni Vera sa akin. Nag kibit balikat lang ako. Hindi nga iyon binanggit sa akin ni mommy. At hindi naman sa hinuhusgahan ko si Vera ayon sa narinig ko kay mommy, ayaw ko lang talaga maniwala kahit kanino muna ngayon.

"Ako, oo." Nakita kong nagsmirk pa si Russel.

"Don't expect Ms. Therese to be there. Sa branch lang namin iyon nagtatrabaho!" Tumawa ako. Kita ko agad ang pag igting ng panga ni Russel nang marinig ang pangalang 'Therese'. Sa tingin ko ay kasing edaran lang namin iyon. Siguro working student or what.

"I don't care." Iyon lang ang sagot niya.

Don't tell me pati si Therese ay nabingwit niya? Tsk. Asshole!

"Whatever. So, Shane? Sasama ka lang for the sake of adventure?" Ngumisi sa akin si Vera.

"I'm not sure. Hindi naman ako talagang inimbitahan sa mga meeting. Kayo lang siguro." Ngumuso ako at napagtantong hindi nga pala ako inaya ni mommy na sumama sa mga meeting. After all, ako nga daw ang mamamahala sa branch namin dito sa Global.

"A-h, oo nga pala. Tita Carolina t-told me samahan daw kita, kung hindi ako aattend."

Bakit kailangan ma-utal, Vera?

"Okay lang naman na walang kasama. Mom always treats me like a baby. I'm independent! And besides, tatlong araw lang naman!" Umiling ako at kumain ng ice cream.

"I insist. Kasama rin naman si Kuya para mag aral sa business." Nagkibit balikat siya.

Okay lang naman iyon sa akin kaya lang ay hindi pwede ngayon. Nagkakailangan kami ni Vera. At ano na lang ang iisipin ko? Sa narinig ko na usapan nila ni mom? Hay.

"Shanelle, anak. Have you talked to your mom?" Pormal na sinabi ni dad. Nasa kitchen kami ngayon at si mom ay nag aayos pa daw ng gamit. Kinunot ko ang noo ko.

"About what, dad?"

Noong nasa US kami ay kadalasan ingles ang usapan namin. Noong umuwi kami dito sa Pinas nang matapos ko ang highschool, ingles pa rin ang usapan. Iyon na ang nakasanayan namin. Mas gugustuhin ko nga na tagalog. Duh? We're filipino. Kung may language lang na pagpipilian sa school ko ay Filipino ang kukuhanin ko. I should have enrolled in an international one and pick tagalog as my language.

Uminom ni daddy sa kape niya at itinupi ang dyaryong binabasa kanina.

"Sinabi niya ba sa iyo ang dahilan kung bakit ka niya pinilit na sumama patungong Davao?"

Mas lalong kumunot ang noo ko.

Umiling ako. "About our business, dad, I guess? Iyon lang naman ang tanging dahilan."

Huminga ng malalim si daddy.

"Your Lolo, Papa Carlos. He wants to talk to you."

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon