Chapter 34

26 0 0
                                    

Chapter 34

Lasing na lasing ako kagabi at mabuti na lang ay nakauwi pa ako ng matiwasay. A call from someone woke me up this morning. I answered it without even checking who's calling.

"Jade told me na madaling araw ka na daw umuwi. And for God's sake, Jaxx! You are with a girl!" Sigaw niya agad ang bumungad.

Kinusot ko ang mata ko at dinilat ang isang mata para tignan ang tumatawag. Mom.

Inalala ko ang mga pangyayari kagabi. I'm with my friends and... fuck! Yanna!

I can't clearly remember what happened last night pero naalala ko na tinawagan ko nga pala si Shanelle! Sinagot niya kaya iyon? At pauwi, wait, I'm with Yanna?

"Mom, I was drunk..."

Teka, nasaan ba siya at bakit tawag pa? Nandito rin naman ako sa bahay.

"And... your sister also said that the girl looks cheap and disgusting. Wala daw ka-class class! At bakit ka niya sasamahan rito? You're not done with Shanelle yet, right? Sino na naman ang panibagong babae na iyon, ha-"

Huminga ako ng malalim. "She's not important, Mom. Kaklase ko lang iyon..."

Matagal na hindi sumagot si Mom kaya sinilip ko pa ang screen ng phone ko. On going pa rin naman ang tawag...

"Sabi ko sa'yo dati, kapag hindi mo gusto, huwag mo nang paasahin. It looks like this girl likes you at sinamahan ka pa sa bahay- wait, inimbitahan mo ba sa bahay?" Natawa ako sa sinabi ni Mom.

"I can't remember, Ma. Nasaan ka ba?"

"I'm with Jade. Tell the truth, son!" Sabi niya at bahagyang tumaas ang tono.

Tumawa ako.

"It's not important, Mom. Mamaya na lang, maliligo pa ako."

A week passed at wala akong ibang ginawa kung 'di tumambay sa bahay. It's either tatambay ako sa bahay o maglalaro ng basketball kasama ang mga pinsan ni Shanelle.

Wait... Shanelle.

Chinat ko siya kanina habang kumakain kami ng dinner. Napagsabihan pa nga ako dahil cellphone ang inaatupag ko habang kumakain.

Shane:

Liar.

Nagulat ako roon. I said I love her. Anong sinungalin roon? Sinagot ko at tinawagan ko na rin ngunit ayaw niyang sagutin.

I took my shirt off. Humiga ako sa kama at chinat siya upang sabihan na sagutin niya ako. I called her again and she answered it, finally.

"You said you love me. Sinungaling." Sabi niya.

She's wearing a robe and her hair's tied up. Basa ang buhok niya and it made her look even sexier.

Huminga ako ng malalim nang matapos ang tawag. She asked me- No. She didn't ask me. She told me to end whatever is going on with us. Without even asking me. Without even saying what was wrong. She wants to end our relationship.

I'm sure we're on a relationship. Hindi na kailangan ng pormal na panliligaw. Hindi na kailangan hilingin ang 'oo' niya. And I'm fine with that. I hope she is, too. Mahal namin ang isa't isa at tingin ko'y sapat na ebidensya na iyon para sabihing may relasyon kaming dalawa.

And now, she wants to end it.

Hindi ako naniwala. Hindi sapat ang video call para maniwala ako sa kanya. Kailangan ko siyang puntahan. I need to hear it from her, personally, though. Isigaw niya sa akin paulit ulit na ayaw niya na para matauhan ako. I want her to stab me as many times as possible. Hanggang sa mapagod siya. Ipamukha niya sa'kin na ayaw niya na. Hindi ako nakukuntento sa mga video call namin. Hindi ako nakukuntento na sa video call lang siya bibitaw.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon