Chapter 11

84 0 0
                                    

Chapter 11

Marami akong dala ngayon dahil magkokompleto pa ako ng requirements. Kaunti lang naman iyon.

Kasama ko ang magkapatid ngayon. Si Ria at Ezekiel. Nauna na daw si Ralph kanina dahil kasabay pa si Alexis at maaga daw ang klase nito.

Nakahawak ako sa braso ni Rua na parang bata at nakasandal sa balikat niya.

"Biyernes santo?" Si Ria. Tumawa silang mag kapatid kaya umirap ako at umayos sa pwesto.

"Walang bago, kuya?" Nagpatuloy sa usapan ang magkapatid. Pinagmasdan ko na lan ang mga tao na naglalakad. Ang ibang course ay hindi pa break, ang med at law. 

"Why? Don't like the recent one?" Sabi ni Ezekiel na nakangisi habang kinakalikot ang phone.

"Too cheap, nakikipag away." Sabi ni Ria kaya napalingon ako sa kanya. "Don't just judge the looks, kuya. Model nga, cheap naman!" Umiling si Ria. Humalakhak si Ezekiel at nakita kong profile ng isang babae ang tinitignan niya sa phone niya.

"Ezekiel!" May tumawag kay Ezekiel sa kung saan kaya nagpaalam siya sa akin at hinalikan naman sa noo ang nakabusangot na si Ria.

"Diba player si Sofia Gomez?" Ngumuso si Ria.

Sofia Gomez. Volleyball player, yup, everyone knows her. Kung kaming magpipinsan ay mahilig sa party at kung ano pa, siya ay hindi. Mahilig siya sa party at the same time, she's a bitch. I think she was a former model sa isang clothing line. Tumango tango ako.

"Kuya's new girl!" Maarte niyang sinabi kaya tumawa ako.

"Just because she's sexy? Marami pa namang iba!" Umirap siya at hinawi ang buhok niya. I wonder what it's like to have an older brother or a sibling. I suddenly want one. Pero sapat na rin ang mga pinsan ko na parang mga kapatid ko na rin.

"Yung kaibigan ko, si Michelle Sarmiento! I'm sure they'll fit perfectly!" Sabi niya at ngumisi pa. Umiling ako para itigil ang pag iimahinasyon niya.

"It's your brother who makes stupid decisions. Hayaan mo siya." Sabi ko.

Namilog ang mga mata ko nang pag lingon ko sa gilid ay nakita ko si Jaxx sa malayo. May mga kasamang babae ang mga kaibigan niya at para bang ginawa nang bar ang school! Napairap ako at nakita kong may lumapit na babae sa kanya. For God's sake! School ito!

Nakatitig lang siya sa akin. Nagkunot noo ako. Umiwas siya doon sa babae at lumipat ng pwesto. Dinungaw niya ang cellphone niya.

Jaxx:

Siya iyong lumapit. I'm sorry.

Nag angat ako ng tingin kay Ria at nakita kong kasama niya na pala si Kianna at Alexis. Si Vera at Kyla daw ay may pinapasa pa. Lumayo ako ng bahagya para makasagot sa text ni Jaxx.

Shane:

It's okay.

Hindi ko na dapat tinignan ng masama si Jaxx. Wala namang ginawa ang babae pero hindi ko rin naiwasang mainis. Hindi ko naman iyon ipinahalata sa sagot ko. Wala naman akong karapatang magselos dahil wala pang label o tawag sa relasyon namin ni Jaxx ngayon. At ayaw ko rin 'yon pangunahan.

Nilingon ako ni Ria dahil pinanlakihan ako ng mga mata ni Kianna habang nakatingin sa likod ko. Si Ria naman ay malaki na ang ngisi.

Biglang nandilim ang paningin ko. And I smelled a familiar scent. Halos matunaw ang puso ko. Hinarap ko siya at halos magkayakap kami dito sa school. Umatras ako ng isang hakbang. Ngunit sumunod lang siya.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon