Chapter 14

64 0 0
                                    

Chapter 14

Kinabukasan na at ako ang huling nagising. Kahapon kasi ay tinanggap ko lahat ng shot na bigay ng mga pinsan ko. Hindi naman marami dahil ang iba ay inaagaw ni Jaxx. Dahil hindi niya ako masuway ay inaagaw niya na lang.

Pagkagising ko ay nandito na rin maski ang mga iba ko pang pinsan at ang mga kaibigan nila.

Nakapang-swimming na sila at si Vera, Kyla at Kianna ay nagreready pa. Tumayo agad ako at nakita kong nag angat ng tingin si Russel sa akin. Ngumisi siya at inirapan ko lang.

Dumiretso ako sa salamin para ayusin ang sarili ko. Hindi dapat ito ang inaatupag ko, diba? Dapat ay naliligo na ako ngayon at nagreready.

"Hoy, maligo ka na!" Humalakhak si Kian. I glared at him. Alright!

Kinuha ko ang isa ko pang cover up. I brought like 3 two piece with me and 2 one piece. Dalawang cover up lang at isang rash guard.

Lumabas agad ako suot ang isang one piece na color army green. Ang cover up ko ay purong lace na color white. May nakaembroidered pa dito na mga rosas sa ilalim. May maong shorts din ako na suot.

Nakita ko agad si Jaxx na ngumingiwi habang tinititigan ako. Ngumiti lang ako.

Ganoon ulit ang naring routine. Breakfast, langoy, lunch. At ngayon ay nagrerent na kami ng mga bangka para mag island hop.

Habang nakatambay kami sa counter ng parang bar dito ay tumayo sa gilid ko ang kaibigan nina Kian. Ito iyong madalas na sumusulyap sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya at hindi ko siya kilala.

Matangkad siya. Siguro kasing tangkad ni Jaxx? May itsura. Pero mas gwapo si Jaxx. Damn! Bakit ko ba kinokompara? Masyado kang assuming, Shane. Maybe he just want to be friends.

"Hi." Ngumisi siya at ipinahinga ang kanang braso sa counter. Nasa bandang kaliwa ko siya.

Tinanguan ko lang siya. Naiilang ako dahil may nararamdaman ako na nakatitig sa amin. "Uh... You look fine." Aniya.

Kumunot ang noo ko at nilingon ko siya.

"Whoah, easy, Miss. Gusto ko lang naman makipagkaibigan!"

Napangiwi ako at hindi na siya nilingon. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa mga daliri ko na halos matangal na ang nail polish. Kulay puti ang kulay nito at medyo natutuklap na rin kakaswim namin kahapon.

"Anong pangalan mo?" Salita ulit ng katabi ko. Nag angat ako ng dalawang kilay.

"Shane." Tipid na ngiti lang ang naibigay ko. "Nice name. I'm Ethan."

Marami pa siyang tinanong tungkol sa akin. Kung ano daw ba ang kulay ng mata ko, bakit daw morena ako samantalang ang iba kong pinsan ay maputi, at marami pang mga tanong na hindi pang karaniwan. It's weird and I hate it.

Dati kapag may lumalapit sa akin na lalaki at classy naman ay ineentertain ko sila. I am approachable, before. Ngayon ay parang ayaw ko na na may mga lalaking kumakausap sa akin. Well, my cousins and... Jaxx?

"Hoy, saan ka pupunta?" Tumawa pa ng bahagya si Ethan ng tumayo na ako.

Umiling ako at naglakad lakad na lang. Nasaan nga ba iyon? Kanina binatukan niya lang si Russel dahil sa tawanan nila at nawala na lang bigla.

Nakita ko si Vera na nasa reception. May sinusulatan siya.

"Okay na ba? It took you like 25 minutes." Ngumuso ako at ibinaba ang sunnies ko. Mas tirik ang araw dito kaysa doon sa bar na sariwa ang hangin.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon