Chapter 10

67 0 0
                                    

Chapter 10

Huling araw na nga nang pasok namin sa Monday sa semester na ito.

"Saan tayo this break?" Narinig ko ang pagkagalak sa boses ni Ria. Nandito kami sa bahay nina Ralph, Ezekiel at Ria. Sunday ngayon at bukas ay magpapasa na lang kami ng requirements sa second semester. Trisem kasi ang school namin, ang Intelligentsia Academy.

"I need vitamin sea!" Tamad akong umupo pagkatapos uminom ng tubig sa counter. We all feel at home at each others houses. Matagal na rin akong hindi nakakapag beach.

"I know a place." Narinig ko si Vera at inagaw ang macbook ng iritadong si Ezekiel. Ginulo pa ni Ezekiel ang buhok niya at dumungaw na lang sa ginagawa ni Vera sa laptop niya. Lahat kami ay nakatabi na kay Vera ngayon, ang iba ay nasa likod ng sofa.

"Club paradise, sa Palawan!" Ani Vera nang mag load ang website ng beach resort.

I've seen that place. Maraming artista at iba pang kilala ko ang nakapunta diyan. Sa Instagram ay nakita ko na 'yan. Maganda nga doon at pwede pa kaming mag island hopping!

"I'll invite my friends, mas masaya kapag marami!" Ginulo ni Russel ang buhok niya.

Kinabahan ako nang sabihin iyon ni Russel, kaibigan niya si Jaxx, means kasama si Jaxx! Kahit anong gawin kong iwas, Fuck!

"Sama mo sina Kianna, Vera!" Ani Ezekiel at hinampas naman siya ni Vera.

"Nilamon ka na ng mga babae! Yuck!" Umirap si Vera at tumingin sa Rates ng resort. "Anong date, ilang araw?" Sunod sunod na tanong ni Vera nang naghahanap siya ng dalawang exclusive suite which includes balcony.

"Four days! First day, beach. Second day, water activities!" Excited na sinabi ni Kyla.

"Third day, island hopping!" Ako na ang nagtuloy sa plano. Hindi naman summer ngunit wala namang ibang pwedeng gawin. Kung maghahike man kami ng bundok ay delikado dahil baka umulan at mastranded pa kami sa bundok.

Nagset na ng date si Vera. Ang mga magulang namin ay hindi pwede dahil sa kanya kanyang trabaho. At papayagan din naman kami dahil college na kaming lahat.

"Look, Russel types!" Nagmayabang pa si Russel nang may pinakita siya sa cellphone niya. Boys will be boys, assholes will be assholes! "Alyanna Morado? Pinsan mo 'yon, 'di ba Shane?" Nanlaki agad ang mata ko sa sinabi ni Kian kaya lumapit agad ako sa kanila.

"What the hell!" Iyon nalang ang nasabi ko. "Child abuse!" Dagdag ko pa.

Nasa profile sila ni Alyanna at tinitignan ang pictures niya noong nagbeach siya last summer. Napairap ako.

Humalakhak lang sila. Oh my God!

Nagvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko agad iyon sa pag aakalang galing iyon sa kay Mommy or Daddy ngunit hindi.

Jaxx:

Where are you?

Nagdalawang isip ako kung sasagot ba ako. Ano naman ang gagawin nito kung sabihin ko man? Napahinga ako ng malalim bago nag isip ng sagot. We'll take this easy, Shane. Chill.

Shane:

Kasama ko ang mga pinsan ko.

Hindi ko alam kung saan pa ba humuhugot ng lakad ng loob si Jaxx para kausapin ako.

How do you take it easy, really? Kung sa pag iiwas pa lang ay nahihirapan na ako. I'm doing this to protect my parents. Ang iba kong Tita sa Alcantara, obviously, they hate me. At ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman na si Jaxx ay may gusto sa akin, ngunit girlfriend niya si Leanne? And, fuck! I like that boy too!

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon