Chapter 38

21 0 0
                                    

Chapter 38

Kinabukasan, nalate ako sa klase.

Wala namang pake ang professor namin. She's one of the most boring teacher here in Loyola. Tuwing oras niya, wala kaming ibang ginawa kung hindi magbasa sa website ng lesson na inupload niya.

Pagkapasok ko ng classroom, nag angat ng tingin ang iba kong kaklase. Lahat sila ay nakatutok lang sa laptop.

Ang daming nerd dito.

"What's up!" Sabi ni Tristan. We did our handshake. He's one of my boy bestfriends here. Galing siya sa Cameroon, Africa. Ang cool niya nga, e.

"I'm late but whatever. She doesn't care anyway." Sabi ko at nginuso ang professor na halos matulog na.

Hindi ko alam kung paano pa ba ito nakakatagal dito sa school namin. Sumisweldo pa kaya ito? Wala naman kaming natututunan. But it's okay for me. Atleast, nakakatulog ako sa klase nang hindi nadidetention.

"Psst! Shanelle!" Nilingon ko si Vanessa. Nginitian ko siya.

"Why didn't you attend our first class? We had a recitation and I almost died!" Kwento niya.

Natawa ako kaya nag angat ng tingin ang professor.

Woops. Nagtago ako sa screen ng laptop ko para hindi niya mahuli kung sino ang tumawa.

"I woke up late." Bulong ko kay Vanessa.

Alas tres ng hapon ay natapos na rin ang klase. I always bring my car with me kapag papasok ako. Dahil mahirap makakuha ng taxi dito. At hindi naman ako sanay mag commute.

Buti nga't dalawa lang ang take-home quizzes namin. At online pa iyon, kaya may oras pa ako para mag pahinga.

Pagkauwi, hindi ko muna sinagutan ang dalawang quiz.

May nag doorbell bigla.

It was Jaxx. I'm not surprised.

Hinayaan kong nakabukas ang pintuan at dumiretso na ako sa sala. Siya na ang nagsara at sinundan rin ako sa sala. Tumabi siya sa akin sa sofa.

"I texted Yanna earlier. Basahin mo..." Sabi niya at inilahad sa akin ang iphone niya.

Tinignan ko lang siya ng ilang segundo. Sigurado siya, babasahin ko talaga? Hindi ko naman kailangang malaman ang pinagusapan nilang dalawa! Hello? Privacy!

"Basahin mo na. Ayaw ko nang naghihinala ka sa akin." Sabi niya at hinilot ang sentido.

Jaxx:

Hey. Please stop texting me, Yanna. Ayaw ko nang gulo. Ayaw ko nang nagagalit si Shanelle. Sorry.

Nanlaki ang mga mata ko. Umpisa pa lang, nagtatatalon na 'tong puso ko. Oh my Gosh!

Yanna:

Can't we just hide our relationship?

Jaxx:

We're not in a relationship.

Yanna:

Sana alam mong nakakasakit ka na. Stop chasing the girl who is done chasing you, Jaxx. Lumipad na nga ng California, e! Iniwan ka na!

Nilingon ko si Jaxx bigla. He just smiled at me then leaned on my shoulder. Nakikiliti ako sa buhok niyang tumatama sa leeg ko.

Jaxx:

I'm not chasing her. She's already mine.

Ginulo ko ang buhok ni Jaxx.

"Baliw ka talaga! Anong 'she's already mine' ang pinagsasabi mo rito? Hindi pa nga kita sinasagot, e!" Sabi ko.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon