Chapter 9

64 0 0
                                    

Chapter 9

Birthday ni Alyanna ngayon, pinsan ko sa side ni Mommy. Sa nakaraang ilang araw, naging tahimik at seryoso ako. Lahat sila ay napansin iyon dahil kadalasan ay makulit at maingay ako. I don't know what's wrong. All I know is that, I'm hurting. For some reason. Napangiwi ako habang tinitignan ang sarili ko sa isang malaking salamin sa bahal namin. Katapat ito ng hagdanan sa bahay namin.

Suot ko ang pinaghalong kulay ginto at rosas na cocktail dress. Si Alyanna ang pinakabata sa aming magpipinsan sa side ni Mommy. Sa pagkakaalam ko ay 18th birthday niya ngayon.

"Looking good." Ani Ian nang makarating na ang mga pinsan at iba ko pang Tita at Tito na Alcantara.

Tanaw ko silang lahat sa sala at sina Alec at Ian lang ang nakapansin sa akin.

Ganoon pa rin ang buhok ko, dark brown, nasa gitna ang hati ang may pagkakulot. Inayos ko ito habang bumababa ako ng hagdan. Hindi gaanong makapal ang naging make up ko, hindi gaya ng mga pinsan ko na engrande at fierce ang itsura.

"Good evening po." Tinanguan ko silang lahat nang makababa na ko ng tuluyan. Nag mano ako sa mga Tito at Tita ko na mukhang napilitan lang maglahad ng kamay sa akin.

"Hi, Shanelle!" Bati sa akin ng isa kong pinsan, si Janina. Hindi ko sila gaanong close ngunit maganda naman ang pakikitungo nila sa akin. Namiss ko tuloy bigla ang ingay ng mga pinsan ko sa Zamora.

Nginitian ko siya.

Napansin ko na ang lahat ng damit namin ay magkakalapit ng kulay. Touch of rose. May pagka nude na rose gold ang sa akin at ganoon din ang kay Leanne. What a coincidence!

"I'll go ahead. May nag iintay pa po sa akin." Ani Leanne at nagpaalam. Lahat ay nginitian niya at hindi man lang ako nilingon. Tumabi ako sa mga pinsan ko nang makaalis na siya.

Hindi ako makasunod sa mga usapan nila dahil hindi ko naman sila laging kasama.

"Gorgeous!" Nakipag beso sa akin si Mommy na mukhang kakalabas lang galing kwarto nila. Kakauwi lang nila dahil may inayos pa sila sa business. "Dadalhin mo ba ang kotse mo?" Si Mommy.

Tumango ako. "You can bring some of your cousins with you." Sabi ni Daddy.

Nilingon ko ang mga pinsan ko at nag alinlangan pa sa pag tango.

"Don't worry, Lawrence and Carolina. May dalang kotse ang mga pamangkin natin." Humalakhak pa si Tita Annabelle.

6:30 ang umpisa ng party. 6pm means 7, though. Matagal pang mag intay ng mga bisita. Ngayong kami ang pamilya ay dapat maaga kami doon. Saktong alas sais ng gabi ay nagsialisan na kami sa bahay.

Nakarating kami sa venue ng quarter to 7. Traffic. Medyo marami na rin ang taong nag iintay para sa debutant.

Nakihalubilo ako sa table ng mga pinsan ko ngunit may kanya kanya naman silang buhay.

"Good evening, Mr. Atienza!" Nanlaki agad ang mga mata ko nang banggitin iyon ni Tita Elizabeth. Napalingon ako kung nasaan sila at nakita ang babae't lalaki na pormal, halos kasing edad lang nila Mom. May isa ring babae na matangkad at mukhang model. Mahaba ang buhok at may hawig sa babae na katawanan ni Tita Elizabeth. And there, Jaxx Emmanuel Atienza standing beside my cousin, Leanne.

May kirot akong naramdaman sa puso nang nakita kong nagmano si Jaxx kay Tita Elizabeth at Tito Robert. Seryoso at blanko ang ekspresyon niya.

May parte sa akin na ayaw magpakita sa kanya. Hindi niya pa nga pala alam na pinsan ko ang girlfriend niya. Umupo sila sa table kasama ang pamilya ni Leanne at ang pamilya ni Jaxx. Umiwas ako ng tingin. I hate watching them. Para bang namamanhikan!

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon