Chapter 45

24 0 7
                                    

Chapter 45

"So what's your plan? Gusto ni Shanelle na bumalik na lang ng Pilipinas and I know we can't say no to that." Ang boses ni mom ang bumungad sa akin pagkagising ko.

Sabado ngayon at tingin ko'y tanghali na dahil nandito na sila mom. Hindi naman sila dito natulog kagabi.

"If the university will allow her then she's all set in the Philippines." Si dad.

Napangiti ako at ipinagdasal na sana pwedeng mag drop na agad ako sa Loyola ngayon. Sigurado akong pwede dahil tinapos ko naman ang isang sem! Bayad na ako kaya pwede na akong magdrop! I'm sure the school is just after the money!

Inisip ko na agad ang pagbalik ko sa Pilipinas. I miss everything there! The people, the beaches and the parties, of course!

Agad akong bumangon. This week, tapos na ang finals namin at completion na lang, tapos sembreak na. Magdodrop na ako during sembreak and I can't wait for my plans. Ang sabi ni Jaxx, next month na ang start ng classes nila. Paniguradong makakahabol ako sa enrollment. Graduating na si Jaxx ngayong taon at hindi ako makapaniwala. Gusto ko nandoon ako sa graduation nila. Teka, gagraduate kaya sina Russ at Ezekiel? Oh gosh...

"You're spoiling your daughter too much, Lawrence..." Rinig kong sinabi ni mom nang sabihin ni dad na ibibili na lang ako ng bagong kotse at ang kotse ko ngayon ay iiwan dito sa Los Angeles. Para daw sakaling dumalaw ako dito, may magagamit akong kotse.

"Nagiisang anak lang natin siya, Carol. It's better if we give whatever she wants rather than she'll go rebellious again because we're too strict." Sabi ni dad.

Nakita kong nakaawang ng kaunti ang pintuan. Kaya pala naririnig ko ng maayos ang pinaguusapan nila...

"Hindi niya naman nagagamit ang kotse niya. Look, Jaxx is always fetching her." Rinig kong ngumisi si mom.

Napangiti ulit ako at naalala kong kailangan ko palang ipacarwash ang kotse ko dahil halos mabulok na ito sa parking lot. Palaging ang kotse ni Jaxx ang ginagamit namin sa tuwing lumabas kami. Nagagamit ko lang ang kotse ko kapag papasok ng school at minsan ay naiiwan ko pa iyon sa school dahil sinusundo ako ni Jaxx.

"Do you really think that boy loves our  daughter?" Tanong ni mom.

"He did everything just to follow Shanelle here in California. I wouldn't do that if I don't love someone truely." Sabi ni dad.

Bumangon ako at kumain na rin ako ng breakfast. After taking a shower, I saw a text from Jaxx.

Jaxx:

What are your plans for today?

Bago ako mag bihis ay mabilis akong nagtipa ng sagot.

Shane:

Carwash siguro.

Jaxx:

Alright. Samahan kita.

Ganoon kami palagi. Tuwing may pasok ako ay susunduin niya ako sa school at kung magigising man siya ng maaga ay ihahatid niya ako. Minsan ay pumapasok pa siya sa campus namin mismo at sinasabayan niya ako sa lunch kasama ang mga kaibigan ko.

Natapos ang buong linggo. Excited na agad ako nang dumating ang Monday. I'll go to our school and ask if I can drop already. Hindi na ako magpapasama kay Jaxx dahil saglit lang iyon kaya sabi niya ay maghihintay na lang daw siya sa condo ko.

"I'm sorry, young lady, but you have to finish this school year first before you drop." Sabi ng babae sa registrar.

Napairap ako. "What the? Are you serious?"

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon