Chapter 44

20 0 0
                                    

Chapter 44

"I worked hard for our business, Jaxx Emmanuel. At ang makakuha ng malaking client na gaya nina Elizabeth ay malaking bagay na. I worked real hard to gain their trust at nasira lang dahil sa kalokohan mo. You can't please me that easy, kid." Umiling ang tatay ni Jaxx.

Sumandal ulit si Jaxx sa upuan. Nakakadalawang subo pa lang yata siya ng pagkain at titigil na naman siya.

"We won't please you if you don't really like us being together, dad. Alam ko namang hindi ko mapipilit ang lahat sa gusto ko. Kung ayaw, e 'di ayaw. Madali akong kausap." Sabi ni Jaxx.

Napalunok ako at tumigil ako sa pagkain. We can't please everyone pero I want to atleast impress his parents. Gusto kong gumaan ang loob nila sa akin. Gusto kong patunayan na hindi ako masamang tao. Iyon lang naman. Kahit hindi na nila ako gustuhin para sa anak nila, basta tanggap nila ako, ayos na iyon sa akin.

"We'll go ahead." Tamad na sinabi ni Jaxx at tumayo na.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi na ako nakagalaw. Palipat lipat lang ang tingin ko sa magulang ni Jaxx na gulat rin, at kay Jaxx na iniintay akong tumayo para makaalis na kami.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Jaxx nang tignan ko siyang muli kaya tumayo na ako at tinanguan ang magulang niya.

"Thank you po. Mauuna na rin po kami, and I'm sorry if we won't be able to stay any longer..." Yumuko akong saglit at pilit ko rin silang ngitian. "Salamat po ulit."

I need to talk to Jaxx. Seryosong usapan. Alam kong mapride siyang tao. And if he'll let his pride rule him, hindi maganda ang mangyayari. Dati kung suwayin ko ang mga magulang ko ay wala akong pake sa mangyayari kaya nagagalit sa akin ang mga tita ko dahil spoiled nga daw ako. (I know it, alright). But now, I clearly understand why my aunties hate the way how my parents raised me. Hindi pala maganda tignan na sinusuway mo ang magulang mo at sinasagot mo. Si Jaxx, may punto siya kanina ngunit hindi pa rin tama na sagot sagotin ang dad niya.

"Hinayaan mo na lang sana ang dad mo na sabihin ang gusto niyang sabihin..." Salita ko dahil napansin kong ang tahimik namin sa kotse. I don't even know where we're going.

Huminga siya ng malalim at umiling. He looks so pissed.

"I'll let him speak kung maayos ang sinasabi niya. His words were too sharp, Shan. Don't pretend that you're okay. Alam kong naapektuhan ka."

Napangiwi ako. He's so hot tempered.

"Okay, nevermind that part." Umiling iling ako. "We should've atleast stayed until we finish our food. Respeto man lang..."

"You'll just stress yourself out if we stayed." Sinulyapan niya ako.

"Hell, it's okay with me! We want them to accept us kaya we have to accept the consequences first! Hindi naman natin iyon makukuha ng madalian." Ibinaling ko na lang ang mukha ko sa bintana.

"I know." Nakita ko sa gilid ng mata ko na sinulyapan ako ni Jaxx. "That's why we left. Because I don't wanna end all of these in just a simple lunch, Shan. You see, hindi na maganda ang sagutan."

Mariin kong tinikom ang bibig ko. Tama nga siya. Tatahimik na nga lang ako!

Tulala lang ako sa kalsada ngunit napansin ko na ibang daan na ang tinatahak namin kaya nilingon ko si Jaxx.

"Where are we going?" Tanong ko.

"Shortcut 'to." Sabi niya kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko sa kalsada.

Matagal na kaming bumabyahe. Hindi ko nga alam kung shortcut nga ba talaga ito. I've never been in this place before.

Tumigil kami sa isang luxury hotel na sikat dito sa Los Angeles. Bumaba siya at nakita kong binigay niya ang susi ng kotse sa isang lalaki na naka-tuxedo. Lumabas na rin ako ng kotse at sinundan ko si Jaxx sa loob.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon