Chapter 8

63 0 0
                                    

Chapter 8

Naging busy na rin kami sa school dahil malapit na ang finals at marami na ring activities ang school. May kaunting pagbabago sa schedules naming mga block kaya ang ibang bakanteng oras ay naging okupado.

Hindi ko kinwento sa mga kaibigan at babae kong pinsan ang nangyari sa amin ni Jaxx. Sa tingin ko naman ay nakikipagkaibigan lang ang tao at hindi iyon seryoso.

Kiss means nothing in the US. Halos kalahati ng childhood ko ay doon ako nakatira kaya nasanay na ako sa mga tao't naging liberated na rin. Doon kasi, walang paki-elamanan sa mga porma. You're free to kiss someone. Hindi agad binibigyan ng tao ng malisya ang mga ginagawa ng tao sa kanila, especially when someone kissed or hugged them. It's means nothing.

"Everyone please get your handbook, we have some impotant notes to take." Sabi ng isang professor namin. Kaklase ko si Alexis, Russel at Jaxx ngayon sa subject na ito. Naalala ko agad ang nangyari sa amin kagabi ni Jaxx nang marinig ko ang salitang handbook.

Kinuha ko agad ang handbook ko. Nang umayos ako sa upo ay may kumalabit agad sa akin sa likod.

"Shane, oh." Inabot niya sa akin ang crampled paper.

Kumunot ang noo ko at tinitigan ang papel. Hindi na ako nagtanong pa at kinuha na lang ang papel. Kanino naman kaya ito galing? Binuksan ko iyon at binasa ang magandang sulat kamay. Aakalain ko na sanang babae iyon ngunit nang may nakita akong pangalan sa baba ay nagulat ako.

Have you browse through your handbook?

- Jaxx

Binuksan ko ang handbook ko at nagtaka sa tanong niya. Ano naman kaya an mayroon sa handbook ko?

Pumilas ako ng 1/2 na papel sa notebook ko at nagsulat ng sagot.

Not yet. Ano nanamang nilagay niyo?

-Shane

Nilukot ko ang papel. "Pakibigay kay Jaxx." Sabi ko sa taong nasa likod ko. Agad niya naman itong sinunod. Nagsulat na ako ng reminders na isinulat ng professor namin sa whiteboard habang naghihintay sa kalabit ng taong nasa likod ko para lang sa isang crampled paper.

Nang kalabitin ako ni Sofia ay hindi ko na siya nilingon. Kinuha ko nalang ang papel. How I wish I have his handwriting, Gosh! Daig pa nito ang babae sa ganda ng sulat niya. Simple lang naman iyon at walang ibang arte ngunit maganda ang sulat niya kumpara sa akin.

Ako ang nagsulat. :)

-Jaxx

Sinulat ko nga pala ang 'niyo' kaysa 'mo' sa una kong tanong. Hindi na ako sumagot pa. Tinapos ko muna ang sinusulat ko bago magsulat ulit ng sagot.

Pagkatapos kong mag sulat ay dumiretso agad ako sa likod na parte ng handbook ko.

I love you, but I can't.

May dumaloy na kuryente sa katawan ko ng basahin ko iyon. Nilingon ko ang seryosong si Jaxx na nakatingin sa akin habang kagat ang dulo ng ballpen niya.

Binasa ko pa ang ibang nakasulat doon.

I can cheat on anyone just to be with you.
Jaxx Emmanuel Atienza.

Napangiti ako. But I came to this realization, Mali ito. Sa lahat ng kasalanang ginawa ko sa mga magulang ko, ito ang pinakamali. And I don't want to hurt them. My Mom. Mas lalong ididikdik sa kanya ng mga kapatid niya na pangit ang pamamalaki nila ni Daddy sa akin kapag nalaman nila na may gusto sa akin ang boyfriend ng pinsan ko. And I'm afraid that I would love him back.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon