Chapter 17

55 0 0
                                    

Chapter 17

Sa araw na nag away kami ni Vera ay iyon din ang araw na napagalitan ako ni Mom. No. Hindi niya alam ang sa amin ni Jaxx. May report lang sa kanya na kadalasan daw ay late ako at hindi napapasukan ang ibang subjects.

Masyado akong napepressure sa studies ko. Hindi ko pa tapos ang mga powerpoint kaya nagagawa ko nang umabsent para lang gawin iyon. Isa iyon sa mga requirements para makapasa ng second year college.

"Ito na yung portfolio. The powerpoints are in progress." Sabi ko kay Janna nang makasalubong ko siya.

"Okay. Paki bilisan-"

"I know what I'm doing, Janna. You're not my boss." Sabi ko at umalis.

Lagi niya akong minamadali sa mga powerpoint na dapat ay ginagawa ng lahat ng miyembro. Pero okay na rin iyon dahil hindi naman ako sumasali sa mga meeting. Pero, damn! Kailangan madaliin? Next week pa ang presentation nito! Huwag niya akong manipulahin!

"Uhm... Ah, okay. Icacalculate ko muna." Sabi ko sa sarili ko nang makapunta ako sa library.

May tumabi bigla sa akin. Sino naman kaya ito? My cousins are busy. Maging ang mga kaibigan ko ay okupado rin.

"Ang alam ko, by group iyan. Bakit ikaw lahat gumagawa?" Si Ethan. Nilingon ko siya.

"Nag-presenta akong gawin ito. Kaya responsable ako sa lahat ng powerpoint." Ibinalik ko ang tingin ko sa laptop ko. Pang apat na powerpoint na ito. Dalawa na lang at matatapos na ako. Kagabi ay pinagpuyatan ko ang ikatlong powerpoint. Nandoon lahat ng formulas at equations kaya natagalan ako.

"Kailangan mo ng tulong?" Ani Ethan.

Umiling ako. Mas maganda kung ako mismo ang gagawa ng mga ganitong bagay. Mas magiging maayos at presentable kapag mag isa lang.

Nanatili siyang nakaupo sa tabi ko kahit hindi ko siya pinapansin.

"Hindi mo talaga ako papansinin?" Pangungulit niya.

Hell! Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay bawat galaw ko, may nakabantay! At kaunting mali ay may parusa!

"Busy ako." Sabi ko at hindi pa rin siya pinapansin.

"Okay. Malapit na mag time, e?" Sabi niya at mukhang aalis na. Magkaiba naman kami ng schedule!

"Magkaiba tayo ng sched-"

"Pero magkaklase tayo sa susunod na subject." Ibinalandra niya sa harapan ko ang schedule niya. Shit!

Inayos ko ang mga gamit ko. Nakatayo lang si Ethan sa tabi ko. Ano ba ang gusto nito?

"Kaklase natin si Jaxx sa susunod na subject. Hindi ka ba susunduin ng..." Sabi niya nang palabas kami ng library. Nilingon ko siya ng nakaunot ang noo.

"Boyfriend mo?"

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko talaga ay nandito si Jaxx at kinukuha nanaman ang nagwawalang puso ko.

"Hindi!" Umiling agad ako at mabilis na umakyat ng hagdan. Sinundan niya nanaman ako. What the hell! Para akong may dalang aso!

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon