Chapter 40

28 0 0
                                    

Chapter 40

"Someone kissed you? Gosh!" Nagulat ako nang mapansin ni Georgina ang nasa collarbone ko.

"No! This is just a bruise!"

Nanliit ang mga mata niya. Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain ng lunch. Half day lang kaya ang sunod ng lunch ay uwian na. Finally, I can sleep. Medyo napuyat rin ako kagabi.

Nacheckan na rin ang dalawang quiz na sinagutan namin ni Jaxx. I got a perfect score.

Jaxx texted me earlier this morning. Doon daw siya sa hotel niya umuwi, hindi sa Santa Barbara.

"It looks like a hickey for me..." Sabi ni Lauren.

"We saw her with a cute guy!" Sabi ni Vanessa at halos mapatayo na sa upuan, hinampas niya pa ang table. "A hot and handsome guy!"

Nairita ako. Sige, idescribe mo pa. Napairap ako ng palihim.

"Maybe he left that mark on Shanelle!" Nag ngising aso si Lauren.

"Come on, this isn't a hickey."

Mabuti na lang at nanahimik na rin sila. I was a bit pissed and I think they noticed it.

Habang kunakain ako ay naramdaman kong magvibrate ang cellphone ko.

Si Jaxx ang nag text.

Jaxx:

Can I fetch you? Punta tayo Pier.

Kumunot ang noo ko. Mas madalas pa siyang magtext sa akin kaysa sa mga magulang ko. Natawa ako ng palihim.

Shanelle:

My friends noticed it.

Jaxx:

Good. Tell them I gave it.

Nilibot ko ang tingin ko sa mga kaibigan kong hindi napansin ang pagtitext ko. Sira ulong Jaxx 'to. Ugh, gosh.

Shane:

Asa. Hindi ko naman sinabi na marka talaga iyon! Sabi ko pasa lang...

Natagalan siya sa pag sagot kaya inubos ko muna ang pagkain ko.

"Shane! How did you get a perfect score on the second quiz? It's so hard!" Nalilitong sabi ni Georgina habang ipinapakita sa akin ang printed results ng quizzes niya. Binigay lang iyon ng professor namin kanina.

"My friend helped me answer it." Ngumiti ako.

Tumunog ulit ang cellphone ko.

Jaxx:

I'll fetch you, 'kay? Anong oras ang uwi mo? Lunch niyo ngayon, diba?

Daming tanong nito! Mabuti na lang rin at hindi ako nagdala ng kotse ngayon pinacarwash ko.

Shane:

Bahala ka. After lunch uwian na rin namin, halfday lang. Yeah, lunch namin ngayon.

Sinagot ko lang naman ang sunod-sunod niyang tanong.

Jaxx:

Alright. I'll wait for you outside.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon