Chapter 12

65 0 0
                                    

Chapter 12

Agad ko ring ibinalik kay Jaxx ang cellphone. Pinatay niya iyon agad at binulsa kaya hindi niya na nabasa ang text. Nanatiling blanko ang ekspresyon ko habang kumakain ng chocolate truffle.

"I'm sorry, I just want to stare at your picture the whole damn time you're not around." Kinagat niya ang pang ibaba niyang labi. "Do... you want me to change it?"

Umiling ako at ngumisi. "No, It's fine."

Doon ko lang napansin na kanina pa pala siya tapos kumain at iniintay niya na lang ako matapos ang dessert ko. Hindi ko nga pala siya binibigyan!

Agad kong tinigilan ang cake at inilahad sa kanya. Nakakahiya ka, Shanelle!

"Uh, s-sorry... Gusto mo?" I fucking stuttered! Masyado ka kasing matakaw, Shanelle!

"I ordered it for you." Aniya at ibinalik sa akin ang platito. "Paborito mo pala 'yan."

Ngumisi siya at kinagat ang pang ibabang labi. Tumango ako at yumuko. I hate it when he does that! Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko at ang pag init ng pisngi ko! I'm seriously super red right now!

Natapos na akong kumain nang niyaya niya ako sa labas. May garden doon at maganda daw ang view.

Nang makapunta kami sa garden ay luminga linga ako. Ang ganda!

Umupo siya sa damuhan. Hindi ko alam kung bakit dahil may mga bench naman doon. Sa gilid ay may mga kandila. Lumingon pa ako sa paligid nang hablutin niya ankamay ko, dahilan kung bakit ako napaupo sa tabi ko.

"Oh my God, Jaxx!" Iyon nalang ang nasabi ko nang mapaupo na ako at halos mahulog sa kanya. Damn! Buti nalang nabalanse ko pa ang sarili ko!

Humalakhak siya. Hinampas ko ang dibdib niya at umirap. "Nakakainis ka!"

Natahimik kami. Nilibang ko ang sarili ko sa tanawing nakikita ko. I love this place. It's like we're in romantic movie. Umihip ang malakas na hangin kaya naramdaman ko iyon sa may tiyan at likod ko. I'm wearing a crop top, kaya hindi ako makaupo ng komportable. Kailangan ay straight ang upo ko.

Naramdaman ko ang braso ni Jaxx na pumulupot sa bewang ko. Damn! The feels!

Naalala ko ang plano kong pag iiwas sa kanya. Ang lahat ng ginawa ko bago ang gabing ito. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba iyon ngayong kasama ko siya.

"Russel said you don't believe in love. Bakit parang hindi naman?" Kinagat niya ang pang ibaba niyang labi. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag titig niya sa akin.

Buong buhay ko, yes, I never believed in love. I've seen my cousins cry because of love. Lahat sa akin ay kalokohan lang. Naalala ko pa noong highschool kami na ang mga lalaking humahabol sa akin ay ineentertain ko. Lahat ng iyon ay panandalian lang. It only lasts for a month. Wala naman kasi akong sineseryoso. Simula nang dumating si Jaxx sa buhay ko, nagbago ang lahat. Bakit parang hindi ako ang dating ako? I stopped entertaining boys. Wala nang fling. Damn. How this boy changed my life.

"At first, yeah." Tumawa ako ng bahagya at tumango tango pa. Ayaw ko siyang lingunin. Baka malusaw lang kaming dalawa kapag susuklian ko ang mga titig niya.

"I entertained a lot of boys. Wala naman kasing seryoso pagdati sa pag ibig." Sabi ko. "That was before."

"Who changed you, then?" Kasama ng pag titig niya sa akin ay ang pag ngisi niya.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon