Chapter 31

36 0 0
                                    

Chapter 31

"Ayan na naman si Shanelle, nako. Babantayan na naman natin iyan!" Humagalpak sa tawa si Russel.

I stared at his cousin.

Tumatawa siya at nagkatinginan kami bigla. I smirked.

Nawala lang ang titigan namin nang tawagin ako ni Ezekiel. Nagsitayuan kami at naglakad patungo sa lamesa ng mga pinsan niyang babae.

Hinagod ko ng kamay ko ang buhok ko. Ngumisi ako nang mapalapit sa kanila. Damn. Sumasakit na ang ulo ko.

"Tara, sa dancefloor!" Sabi ni Ezekiel.

Nauna na si Ezekiel sa gitna.

"Let's go!" Sigaw ni Shanelle kaya tumawa ako. Sumunod ako sa kanya.

She's dancing. She knows how to play every steps she do seductively. Fuck it! Napangisi ako bigla. Just the thought of her dancing in front of me... fucking turns me on.

"Hey!" Nilingon niya ako.

Napangisi ako at pumikit ng mariin. Masyadong matapang ang mga ininom namin na alak. Sumasakit na agad ang ulo ko.

I let her memorize every inch of my face. We stared at each other. Her short wavy hair fits her perfectly. Hindi mahirap intindihin ang mensahe na ipinapakita ng mata niya. Her red lips look like it's always begging for a kiss. Fuck... I'm losing control. Don't know if it's because of the alcohol or this girl in front of me!

Ibang iba siya sa mga models na nakakasama namin ng mga pinsan niya. She looks so fragile. Her perfectly shaped brow defines her personality. Para bang tuwing nakataas ang isa ay sinasabi noon na hindi siya basta basta. Siya iyong tipo ng babae na pang habang buhay.

Nang titigan ko ang mga mata niya, tuluyan ko na ngang nakalimutan na may girlfriend ako.

And that is how I met her. The girl I love the most. The girl I want the most.

"Jaxx Emmanuel!" Iritadong sabi ng ate ko nang silipin niya ang kwarto ko.

It's been a week simula nang umalis si Shane. Friday ngayon at silver wedding anniversary nila Mom at Dad. Sa Sofitel Manila gaganapin ang anniversary nila. I don't care that much dahil simula noong umalis si Shane ay kinausap ako ni Dad. Pinagalitan niya ako. Yeah, nalaman niya na hinatid ko pa si Shane sa airport. Hindi ko na pinarating kay Shane dahil ayaw ko na mag alala pa siya. Sabi ni Dad na kapag daw malaman niya na nakikipag usap pa ako kay Shane, he'll block all my cards, won't let me use my car and will also confiscate all my gadgets. Masyadong pang bata ang parusa. Hindi ko nalang hinahayaan na malaman nila na nag uusap pa kami ni Shane dahil ayaw ko na kunin niya ang cellphone ko at hindi ko pa makausap si Shane.

"A tux and a gold chain? Really? Come on, this is a formal occasion. Gold chain isn't appropriate." Sabi ni Ate Jade.

I smirked. "They're appropriate, sis."

"Bahala ka diyan." Umalis na siya sa kwarto ko. Natawa ako.

Pagkalabas ko ng kwarto ay bumaba na ako. Nandoon na si Dad ngunit hindi ako umimik at dirediretso lang ako sa labas. Mauuna na ako sa Sofitel. We have a room there, anyway. Ayos lang na mag hintay. Plus, I can call Shane while waiting for them.

Nang makuha ko ang number ng room namin ay dumiretso na agad ako doon. Tinignan ko ang rolex na regalo sa akin nila Mom at Dad nang mag 18 ako.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon