Chapter 25

35 0 0
                                    

Chapter 25

"My daughter... And Jaxx. We planned everything for them, Shanelle. Marriage and such. We even planned a fixed one. Ngunit hindi sila pumayag. Pinag iisipan muna ng pamilya ni Jaxx." Sabi ni Tita Elizabeth. "Just please, cut all of your connections with that boy. Alam kong mahirap. Alam kong masakit. Ngunit baka mas lalo ka lang masaktan kung malaman mo na ginawa ka lang na libangan."

Umiling ako at pinunasan ang mga luha ko. Isang ulit pa at malapit na akong maniwala sa mga salita nila.

"We just want to clear things. Sa mga Atienza. Just wait for the perfect time, Shanelle. Wala ka pang karanasan sa pag ibig. Para lang iyang trabaho. You need a lot of experiences in order to achieve the perfect one." Sabi ni Tita Erika ng mahinahon.

Fuck experiences. Hindi ba pwedeng magmahal bilang isang simpleng tao?

"Ikaw rin naman ang talo sa dulo. Why don't just drop the fight?" Humalukipkip si Tita Annabelle.

Libu-libong tanong. I'm done. Naipaliwanag ko na ang side ko. Kung hindi pa iyon sapat sa kanila, then I don't know what will make them believe me. I'm done defending myself. Sawa na akong masaktan. Tatanggapin ko na ang lahat ng masasakit na salita nila. Dahil sa mga oras na ito ay sarado na ang utak nila. Paniguradong wala ng maniniwala sa mga pinagsasabi ko.

"You're not in her position, Ate Anna. We can't judge Shanelle by how she acts." Sabi ni Tita Erika.

Kinalma ko ang sarili ko at tumayo. This move will just prove everyone that I am weak, and definitely guilty. But whatever. Hindi ko na kaya ang sakit. It's overflowing and difficult to handle. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sakit.

Nang pumasok ako sa kwarto ko ay ni-lock ko ito at ibinaon ang mukha ko sa unan. I'm tired of bullshits. Naipaliwanag ko na ang lahat. Hindi ko na kasalanan ang pagiging makitid ng mga utak nila.

Pagkatapos ng school week, isang linggong completion at bakasyon na. Kinuha ko ang aking macbook sa study table ko. I'll book a flight. Huwag na sa US. Maybe in California, sa Los Angeles.

Tumunog ang cellphone ko. Sabay noon ang pagkatok sa pintuan ko.

5 new messages from Jaxx.

Bago ko pa iyon basahin ay bumukas na ang pintuan sa kwarto ko. Si mommy dala dala ang spare keys ng kwarto ko.

"Shanelle..." Aniya.

Nanatili akong nakatulala sa macbook ko. Gusto ko lang mapag isa. Sana maintindihan nila.

"What you did is so... so rude." May halong pagkadismaya sa tono ni mommy.

"Hindi ka namin pinalaki ng ganyan." Umiling si mommy. "We're all disappointed."

Bahagya akong napairap. Oh come on.

Napatingin si mommy sa cellphone ko. At doon ay kitang kita ko ang galit niya.

"What? Akala ko ba iniiwasan mo? I thought you're done with that guy!" Kinuha ni mommy ang cellphone ko at pinatay.

"Where is our old Shanelle? Iyong hindi naniniwala sa pag ibig? Iyong ayaw sa commitments? For pete's sake! Magmamahal ka na nga lang, sa maling tao pa." Sabi ni mommy.

Pumikit ako. I get it.

"People change and you know it, Mom..." Dumilat ako at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

"People change for the better. You changed in a very, very complicated way."

Napairap na naman ako.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon