Chapter 32

34 0 0
                                    

Chapter 32

Napalunok ako at nanlaki ang mga mata ko.

"Kanina ka pa?" Tanong ko. Nagtawanan ang mga pinsan ko habang kumakain. Hindi ko pinansin at hinantay ang sagot ni Leanne.

Her eyes were red. Damn.

"Mag-usap tayo. Outside." Mariin niyang sinabi.

Pumikit ako at hinilot ang aking sentido. Fuck!

"Excuse." Sabi ko at tumayo na. Natigilan ang mga pinsan ko at pinanood na lang kami ni Leanne umalis.

Sa labas ng venue ay wala masyadong tao. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Akala ko ba tinigil na? Come on, Jaxx. She left you already! Sabi niya titigil na siya. She said she'll stop talking to you. E, ano 'to? And for pete's sake! Sa anniversary pa talaga ng magulang mo? Ganyan na ba talaga katindi ang pinsan ko-"

"Shane has nothing to do with this. Ako lahat 'to." I looked at her straight in the eye.

"Stop defending Shanelle!" Tumigil siya at pinunasan ang mga luha. "Dapat una pa lang, tinigil ko na 'to, e!"

"This is all my fault. Sorry. I fell in love with your cousin..." Masakit para sa kanya pero kailangan kong sabihin ang totoo.

Mas lalo lang siyang naiyak. Nag iwas ako ng tingin. Dati wala lang sakin ang mga babaeng umiiyak pero parang ngayon ang sakit sa puso. I loved Leanne. Minahal ko si Leanne dati, I thought that love I am feeling for Leanne is enough to date her. But I'm wrong. Mahal ko lang siya bilang kaibigan at hanggang doon na lang. Minahal ko siya noong mga panahon na wala pa si Shanelle. But I guess if you really love someone, your feelings shouldn't change, right? Siguro iyon ang nararamdaman ko kay Shanelle ngayon. I can't change my feelings for Shane and I will never change it.

Ang sakit tignan na yung babaeng minahal ko dati bilang kaibigan ay umiiyak sa harap ko ngayon. Because of me.

"Let's break up. Sorry." Sabi ko. Nag angat ng tingin si Leanne. Napalingon siya sa likod ko.

"What is going on? Why are you crying, Leanne?" Boses ng mommy ni Leanne ang narinig ko sa likod ko.

Lumapit agad siya kay Tita Elizabeth at niyakap ito.

"What have you done?" Pagalit na sabi ni Tito. He's talking to me. Tinignan ko si Leanne at ang mommy niya.

"I'm sorry Tito, Tita... I broke up with your daughter." Diretso at malinaw kong pagkakasabi.

They were both shocked.

"Is this..." Pumikit ng mariin si Tito. "Because of Shanelle Zamora?"

Kinagat ko ang ibaba kong labi at dahan dahang tumango. "I'm sorry..."

"Sinasabi ko na nga ba at hindi titigil iyon si Shane, e! Kahit gaano man iyan kalayo, gagawa pa rin iyan ng paraan-"

Pinutol ko si Tita Elizabeth. Why do they keep on blaming Shane?

"Ako po ang nagpumilit na mag usap kami. She kept on avoiding me but I didn't stop pursuing her. So stop blaming her. Ako po ang may kasalanan dito." Sabi ko at napatingin sa likod nila. Damn. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Nilingon ng magulang ni Leanne ang magulang ko.

"I am so disappointed of your son, Xyvierre. God!" Umiling si Tita Elizabeth.

"I'm so sorry, Mr. and Mrs. Alcantara. We'll take care of everything." Sabi ni Mom. Tinignan ako ng masama ni Dad at umiling.

"I'm sorry but we have to go." Mariin na sinabi ng tatay ni Leanne.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon