Chapter 7

76 0 0
                                    

Chapter 7

Huminga ako ng malalim at pilit na lang na nginitian si Leanne. Kampante siya at wala man lang pake na pinsan niya ako, na nakikita na pala namin ang isa't isa sa school nowadays. Damn! Ang girlfriend ni Jaxx, pinsan ko! Great!

"We just moved here last April." Ani Tita Elizabeth. "At napag isipan namin na i-enrol siya sa school niyo. To finish college."

Dahan dahan akong tumango habang nakatutok sa cellphone ko, binabasa ang isang text. Maiksi ngunit pinapaulit ulit ko.

"Rude brat." Narinig ko ang bulong ng isa kong Tita. Nilingon ko siya agad at nagtaas lang siya ng kilay. Binigyan niya ako ng isang pekeng ngiti. Napangiwi ako. Si Tita Annabelle ang Tita ko na galit na galit sa akin. Specifically sa ugali ko.

Nakita ko ang ngiti ng isa kong Tita katabi si Tita Annabelle. Si Tita Erica. Mabait siya sa akin. Tinanguan ko siya.

Unknown:

You left your book here at the Gym. May number mo kaya tinext kita.

Baka iyon ang Handbook ko. Required kasi lahat ng studyante na maglagay ng number sa front page ng handbook in case mawala ito. Importante iyon sa mga studyante dahil nandoon ang schedule ng subjects.

Unknown:

Si Jaxx 'to!

Nanlaki ang mga mata ko. Holy! Mag picture ako doon! Kasama ng number ko ang id picture ko doon na mukhang sabog! Gosh! Nakakahiya!

Unknown:

Uso talaga ang full bangs dati, 'no?

I'm dead! Hindi updated ang id picture na nasa handbook ko. That picture was from years ago! 4th year highschool, I think? 'Wag niya lang sana picturan at ipakita sa mga pinsan ko. Nataranta ako kaya napainom ako ng tubig. Ano ang isasagot ko sa kanya? Na bukas na lang dahil kasama ko ang pamilya ng girlfriend niya? No! Hindi ko iyon sasabihin sa kanya.

"Uhm, cr lang po ako." Paalam ko at agad pumunta sa cr kahit nakita ko na ang mga pagkain na inorder nila papunta sa table namin. I need to call him!

Narinig ko ang tawanan sa kabilang linya nang sagutin niya ito. "Oh?" Galing sa tawa ang boses niya. "Dora!" Halakhak ni Kian.

"Oh God, you're kidding, right?" Hindi ko pinansin ang pang aasar ng mga pinsan ko.

"Hindi mo ba kukunin? Or ihahatid ko sa inyo?" Ani Jaxx. Humina ang tawanan sa kabilang linya. Siguro ay lumayo siya. Masyadong maingay ang mga pinsan ko para marinig niya ako. Hindi ko siya sinagot. I'm pissed. I shouldn't have called him.

"No, cous! Kay Jaxx na 'to!" Sigaw ni Ezekiel sa malayo. Lumapit pa ata ito kay Jaxx dahil may narinig akong bulong niya. Kung ano man ang pinaplano nito, I'm sure, mapapatay ko talaga siya.

Matagal pa bago nakapagsalita ulit si Jaxx dahil sa tawanan nila. So I'm the victim now?

"Bawal bukas." Narinig ko ang ngisi ni Jaxx. Kumunot ang noo ko. I don't care. Nakita rin naman na nila ang picture at ang iba pang naroon. Why would I still hide it? Bahala sila. Sila rin naman ang malalagot kung hanapin sa akin ng mga professor ko ang handbook ko. Hinayaan ko lang na magsalita ulit si Jaxx.

"Hey..." Aniya pagkatapos kausapin ni Ezekiel. Hindi ako nagsalita.

"I'm just kidding. I'll give your handbook tom--" Pinutol ko na ang dapat niyang sasabihin.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon