Chapter 16

64 0 0
                                    

Chapter 16

Hindi ko na alam. Kung bakit big deal ito kay Vera ay wala akong alam. Wala namang makakaintindi sa mga desisyon ko kung hindi ako.

"Sumama ka. Pupunta sila Ria at Kyla. We need to talk about this."

Bumaba agad siya ng kotse ko. Nagpaiwan ako sa loob. Hindi ko alam na may plano pala siyang ganito. Kung bakit ba ang pinagkainga-ingatan kong kasalanan ay nabunyag din, nakalat pa. I know that was a dumbass sin. Pinipigilan ko na lumaki pa ang gulong ito ngunit bakit pinipilit pa nila?

Hinampas ko ang manibela at sumandal doon ng nakaharap. Hindi ko na alam. May makakaintindi pa ba sa akin?

"Shane..." Sabi ni Ria nang makapasok na ako sa sala ngunit narinig niya ang buntong hininga ni Vera kaya hindi agad siya lumapit sa akin.

"Akala ko, sa iba ka lang walang pake. Pati pala sa sarili mo! Wala kang pake!" Iyon ang panimula ni Vera.

Kanina pa ako umiiyak. Humahagulgol na ako ngayon. Gusto ko na lang ito itigil. Please. Damn.

"I'm sorry, Shane pero..." Umiling si Kyla. "You're being a bitch here."

Tanggap ko na iyon. Oo. Tanggap ko. Shanelle Louise, tanggapin mo. Kahit masakit, tanggap na tanggap ko!

"No." Mas lalo akong humagulgol dahil bumababa si Russel ngayon sa hagdan nila. Kaibigan ni Jaxx. Maaaring mas masakit pa ang sabihin niya dahil pwedeng masira ko pa ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Jaxx. "Jaxx. Ginawa siyang mistress ni Jaxx. Iyon ang tama."

Tinakpan ko ang bibig ko at iniwasang humagulgol.

"Pwede. Pero hindi niya dapat pinatulan!" Hinarap ako ni Vera.

"Mahal ko. Iyon lang iyon." Iyon lang din ang nasabi ko.

"No! Bullshit! I know you too well! Laro lang ang lahat sa iyo! And yes! You want challenges! Kaya ba napili mo si Jaxx na girlfriend ang pinsan mo? Para ma challenge ka?" Sunod sunod ang masasakit na sinabi ni Vera. Ngayon ay hawak na ni Russel ang braso ni Vera.

"Ano ba ang alam mo sa pagmamahal, Shane? Hindi iyon biro! Hindi iyon school na papasok ka lang kung kailan mo gusto! The only thing you know about love is to play games! Gosh! Hindi ito lar-" Pinutol ni Ria si Vera.

"You're being too harsh, Vera. Pareho silang may mali dito. Huwag mo naman isisi lahat sa kanya!" Sabi ni Ria. Oh gosh. Thank you. Thank you. Dahil hindi ko na talaga kaya.

Ito na ba ang karma? Yes! These are all the consequences for falling in love! I deserve this! Bullshit!

"I'm sorry pero you need to wake the fuck up-" Pinutol ko na si Kyla. Tama na. Napakasakit na. Gusto ko pang mabuhay. Parang awa.

"I'm already fucking awake! Kaya nga nilalayuan ko na, e! Kahit masakit ay tinataboy ko siya! Please! Just... stop!" Umiling ako at lumabas na ng bahay nila.

Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa manibela at umiyak ng umiyak.

Ganito pala kasakit. Ganito pala kahapdi. Ito na ang mundong hindi ko pa napupuntahan. Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang itigil ang pag hinga ko para matigil na rin ang sakit.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Kasalanan ko itong lahat. Kung sana ay hindi na lang ako natuto mag mahal. I just want to play my games. No heartaches. No problem. Pero hindi, e. Mas pinili ko ang komplikado na buhay. Kaya dapat ko lang itong panindigan.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon