Chapter 20

52 1 0
                                    

Chapter 20

Wala akong reply na nakuha sa kanya. Ni-kaunting yanig man lang ng cellphone ko na nagsisimbolong may text siya, wala.

Nang makarating kami sa hotel ay cellphone ko lang ang inatupag ko.

"Maglalagay na ako ng mask!" Excited na sinabi ni Vera at pumasok sa cr para maghilamos.

Nagsisisi talaga ako. Ayaw ko naman tanungin ang mga pinsan ko na mukhang kasama lang din ni Jaxx. Gabi na. Hindi naman ako sigurado na may sakit iyon o ano. Nasaan kaya sila? Tatanungin ko ba si Ezekiel?

"Nag club daw sila, ah?" Nagulat ako nang nakapasok na pala si Russel sa room namin. He didn't even knock! Gosh!

Pero, ano? Nag club? At sino-sino naman kaya sila? Kasama si Jaxx?

"Sino-sino?" Tanong ko.

Nag kibit balikat si Russel at tamad na sumalampak sa kama na solo niya. "Don't know. Si Jaxx daw ang nag aya."

Mas lalong nagkasalubong ang mga kilay ko.

Kaya pala walang reply.

"Apat lang pala itong nabili natin, Shane?" Sabi ni Vera na kakalabas lang ng cr at hawak hawak ang mga mask. "Dalawang peel off at dalawang face mask."

Pagod akong ngumisi sa kanya at kinuha ang isang face mask. This will serve as my stress reliever.

Nang mailagay ko na ang face mask ay humiga na ulit ako sa kama at nagtalukbong. Gustong gusto ko umiyak. Ako ang may kasalanan kaya dapat lang ito sa akin. Nasaktan ko si Jaxx ng ilang beses. At ngayon ko pa ba siya gustong ikulong? For what? Deserve niya ang maging malaya, for fuck's sake, Shanelle. Wala akong ibang magagawa dito kung hindi ang umiyak at magmukmok.

"Bakit naman kaya magyayaya si Jaxx?" Rinig ko ang boses ni Vera na malapit sa akin.

Ramdam ko pa na lumubog ang kama, siguro ay tumabi siya sa akin. Pinigilan ko ang maingay na pag iyak at ang pag galaw ng balikat ko.

"Hindi naman iyon himala. Madalas 'yon magyaya dati noong..." Rinig ko ang paghingang malalim ni Russel. "Nevermind." Sabi ni Russel.

Noong ano?

Nang maramdaman kong pwede nang alisin ang face mask ay inayos ko ang mukha ko. 15 minutes, sakto. It's already 10:30.

Hindi ko hinayaang makita nino man ang namumula kong mata. Dumiretso agad ako sa cr. Mabuti na lang at si Russel ay busy sa kanyang cellphone at si Vera ay nakatalikod.

"Saang club sila ngayon?" Rinig kong tanong ni Vera.

May narinig akong maingay. Mukhang galing sa cellphone. Puro ingay ng isang kantang kadalasan ay naririnig ko sa club. At hiyawan ng tao.

Lumapit pa ako lalo sa pintuan para marinig ang usapan nila.

"Kuya..." Rinig ko ang kaba sa boses ni Vera. Narinig ko nanaman ang ingay ng kanta at ang hiyawan ng tao mula sa cellphone.

"Oh shit." Iyon ang sabi ni Russel.

Agad kong tinanggal ang face mask at pinunasan ang mukha ko bago lumabas ng cr. Nakita kong pinatay ni Vera ang cellphone niya at sinundan ako ng tingin.

"Have you checked your phone earlier, Shane?" Tanong sa akin ni Vera.

"Yup. Kausap ko si Kyla kanin-"

"No, I mean... Yung mga accounts mo?" Sabi niya. No. Nakapatay ang cellphone ko matapos kong isend ang huli kong text kay Jaxx.

Umiling ako.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon