Chapter 18

53 0 0
                                    

Chapter 18

Nagpasalamat ako at hindi na sumagot pa si Vera. Huminga siya ng malalim at tumango ng dahan dahan.

Nanguna siya sa paglalakad.

"Ang hirap naman. Two brats, one fight. Who will win? Gosh!" Umiling si Ria at tumawa na lang ako.

"Kahit akong nakakatanda sa inyo ay hindi kayo mapag ayos. Hay. Shut up na lang ako."

Mabait naman si Vera dati. Siguro ay dahil nalapit sa akin ay nagaya na rin sa ugali ko. Yeah, I know. I'm a party girl. A spoiled one. I'm that 'go with the flow' type of girl. Lahat ng ugali ko ay kabaliktaran ng kay Vera, noon. Pero nagbabago nga talaga ang tao. Akala ko ako lang ang nagbago.

Nakarating na kami sa room at nagpaalam na rin kay Ria.

"Kailan daw ang exams?" Wala sa sarili kong tanong kay Vera. Kahit naman may kaunting ilangan sa amin ay gusto ko pa rin ang closure naming dalawa. We're cousins slash bestfriends since forever, for fuck's sake. Like, hell? Sabihin na nating nag iinarte si Vera at masyado siyang affected sa amin ni Jaxx, ngunit sa dulo nito, ako pa rin ang may kasalanan. Blame it on me.

"Next next week? I'm not sure." Nag kibit balikat siya.

I'm expecting someone to be here. Iyon ang naging rason ng pag upo ko sa likod. Ilang minuto na ang nakalipas at wala pa rin si Jaxx. Napagtanto ko na rin kung bakit ko nga ba siya iniintay gayong iniiwasan ko dapat siya. Tinignan ko ang schedule ko at hindi pala kami magkaklase sa subject na pinapasukan ko ngayon.

Hindi mo dapat siya iniintay, Shanelle! Ano ba, nadadala nanaman ako sa mga pasikat nong Atienza na 'yon, e!

"Shanelle, may nagpapabigay." Iyon ang gumising sa diwa ko. Sabi iyon ng kaklase kong lalaki sa akin habang inilalahad ang isang kapirasong papel. Hindi ko dapat ito nararamdaman. Dapat galit ang nararamdaman ko dahil hindi tumutulong si Jaxx sa pag iwas! Fuck!

Tinanggap ko ang papel at binuklat ito sa pagkakalukot.

Jaxx:

Ano oras uwi mo ngayon? I miss you.

E, ano naman sa kanya? Ay oo nga naman. Baka gusto niya lang malaman o ipinapatanong ng mga pinsan ko? Don't know. Sinagot ko iyon, sa text. Bakit kasi sa papel pa ngayong kaya niya namang mag text? Naka unli 'to, imposibleng hindi.

Shane:

2 pm.

Pinatay ko na ang phone ko. Iyon lang dapat ang isagot ko, at dapat ay hindi masyadong mahahaba ang sagot. Ayaw ko namang isipin niya na hindi ako totoo sa mga salita ko. Ayaw kong lumaki ang tiwala niya sa sarili niya na kaunting lambing niya lang ay mahuhulog na naman ako. Kailangan namin matuto dito. Hindi lang dapat puro masama ang idudulot nito samin.

"Oh, ano? Sinagot mo ba? Baka mapahamak na naman ako kapag hindi mo sinagot!" Halos mapatalon ako sa sinabi nung kaklase ko kanina na nagbigay rin sa akin ng papel.

Kumunot ang noo ko at sabay noon ang pag ngisi niya.

"Ano? Nauto ka ni Jaxx?" Nagpipigil ako ng tawa. Marami nga atang takot sa kanya, ano? Iba talaga kapag badboy at sikat sa campus. Ganoon din kasi ang iba sa mga pinsan ko, nasanay na lang ako na marami talagang nagpapamanipula sa kanila.

It's sucks knowing that they're the boss. Bully! Hmp!

"Basta sagutin mo! Napag utusan lang." Napahawak siya sa batok niya. Umirap ako at dahan dahang tumango.

"Kanina ko pa nasagot, ang duwag nito!" Umirap ako at humalakhak.

"Palibhasa hindi ikaw 'tong tinatakot." Umiling siya at umalis.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon