Chapter 4

102 1 0
                                    

Chapter 4

Inagaw ko 'yong bean bag na dapat kukunin ni Kian. "Woops, mood swings."

"Not really, cous." Sabi ko at kinuha ang pop corn na nasa babasagin na bowl sa center table.

"Galing. Nakakatuwa." Sarkastikong sinabi ni Vera at nakita ko ang playful smile sa mukha ni Russel. Umirap pa si Vera bago umupo ulit sa pwesto niya. Nag angat ng tingin si Russel nang nakita na may naglalakad sa may harap niya.

Ngumiwi ako at tinignan ang cellphone ko. Alam ko naman kung sino ang tinitignan ni Russel pero hindi ko alam kung saan nun balak umupo.

Halos mapatalon na ako sa gulat nang may naghagis ng bean bag, malapit sa tabi ko. Nilingon ko 'yon at nagkasalubong agad ang mga kilay ko. "Until when are you going to annoy me?" Sabi ko.

Nagkibit balikat si Jaxx. Uminit ang pisngi ko at kumalampag nanaman ang puso ko ng umupo siya doon sa bean bag na halos katabi ko lang.

"If annoying you will make you pay attention, then..." Aniya at uminom ng kung ano man ang nasa loob ng baso niya. "I'll do it everyday."

Hindi ko alam kung maiinis pa ako o matutuwa. Is that even a compliment? Hindi ako manhid pero hindi rin naman kasi ganoon ka-obvious itong nararamdaman ko. Naguguluhan ako.

"Basket tayo, game?" Biglang tumayo si Ezekiel.

Sumang ayon naman lahat ng lalaki. Halos magkakadikit lang ang mga bahay naming magpipinsan dito sa subdivision namin. Magkakaiba lang ng block.

Mayroong club house dito ay court sa parteng gitna ng subdivision. Mayroon ding chapel.

"Sasama ba kayo?" Tanong sa akin ni Jaxx nang tumayo siya. Nag kibit bakikat lang ako at hindi na umasa muli na kakausapin niya pa ako.

Napansin ko lang sa gilid ng mga mata ko na tumayo siya at hinila ang kamay ko patayo. Kaya naman napatayo na rin ako at napalingon sa mga makabuluhang ngiti ng mga pinsan ko. Umirap ako at nilingon ang sira ulong nasa likod ko.

Kumunot ang noo ko. "What?"

Umiling siya at nilampasan ako. Nilingon ko siya para makita na sinundan niya na sila Russel na kanina pa nakaready sa labas.

"Sasama ba tayo?" Tanong ko kayla Ria na nakangiti pa rin. Mas kinikilig pa ata sila sa'kin.

"I don't think I can." Napalingon kami sa nakahilata pa rin na si Kyla. Humikab siya at nag stretch. "Tsk. Sleepyhead." Umirap ako.

"Nag salita ang antukin!" Ngumiwi si Vera at umiling iling pa. Ngumuso ako at binalewala si Vera. Kinuha ko ang bag ko at umakyat sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng loose t-shirt na color white at bumaba na.

Pagkarating namin sa court ay naglalaro na nga sila. May mga ibang lalaki rin na hindi namin kilala. Probably one of their friends or something. Nakita ko agad ang pag shoot ng tatlong puntos ni Jaxx. So he's a player, huh?

Umupo ako sa mga mono block.

Napansin ko na may nag sub na isang lalaki sa kabilang grupo. Pinalitan siya nung lalaki na nakaupo sa mono blocks hindi gaanong malayo sa pinepwestuhan namin ngayon. Umupo iyon sa malapit sa akin. May dalawang bakanteng upuan sa katabi ko at doon siya sa pangalawa umupo. Isang upuan lang ang layo namin.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon