Chapter 46

6 0 0
                                    

(another v v v long update huhu im completely sorry for those loyal ++ patient readers out there who are waiting for this update :( i promise i'll continue updating this story as soon as possible :) if you're still reading even tho i haven't updated this story for so long, then thank you for you patience and i love you! happy reading loves :))

Chapter 46

I woke up half naked, wearing an oversized shirt and my undies. Nilanghap ko pa ang shirt na suot ko at napangiti ako nang maamoy ko ang pabango niya. Smells so good.

Dumilat ako at napansin na mag isa na lang ako sa queen sized bed ko. Napaupo agad ako kahit medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa liwanag ng araw. Nagmabilis akong tumayo at nahilo agad ako ngunit binalewala ko na iyon. Agad na akong lumabas sa kwarto ko at nadatnan ko si Jaxx sa kusina, topless while cooking breakfast. May kausap siya sa telepono niya kaya hindi ako agad na lumabas. I peeped through the small opening of my door.

"My flight is on wednesday, dad." Kalmado niyang sabi. Nakaloud speaker yata ang telepono dahil rinig ko ang sinasabi ng kabilang linya, na tatay yata ni Jaxx ang nagsasalita.

"Oh, stop fooling around Jaxx Emmanuel! Your grandma said you're with a girl, Shane!"

Nanlaki ang mga mata ko sa tono ng tatay niya at sa pagbanggit rin ng pangalan ko.

"And who cares if I'm with her? Siya naman ang pinunta ko dito." Sumandal si Jaxx sa counter, nakatalikod pa rin sa akin.

Parang wala na siyang pake kahit itakwil pa siya ng tatay niya. Sa sagot niya ay parang hindi siya natakot na nahuli na siya ng magulang niya. And I'm not sure if it's a good sign or not.

"No one cares! If it's not for our business and your mom, matagal na kitang tinakwil! Wala ka nang ginawang tama, Jaxx! We let you party every night before, bought you the things you want and this is what we'll receive in return?"

Para akong kinukulam at tinutusok ng karayom ang puso ko ng paulit ulit habang nakikinig sa sinasabi ng tatay ni Jaxx. Jaxx won't receive those hurtful lines if he chose to leave me before. This is all on me.

"The business, it's... It's going down." Mula sa galit na tono ay naging bigo na ang boses ng tatay niya. "Our partners declined our offer. Pamilya iyon ng babaeng niloko mo, Jaxx. Now, look at what you've done."

"Why won't you give me a chance in our business, dad? After I graduated, though. Hindi iyong asa ng asa ang kompanya natin sa partnership na 'yan." Si Jaxx.

Napapikit na ako ng mariin. Sobrang nasasaktan ako sa naririnig ko. Kasalanan ko 'tong lahat kaya dapat lang akong masaktan ng sobra. Kulang pa nga itong nararamdaman ko ngayon sa gulong ginawa ko!

Pumunta ako sa walk-in closet ko para kumuha ng bathrobe at tumambay muna sa balcony ng kwarto ko.

Habang pinagmamasdan ko ang mga dumadaang kotse sa kalsada sa baba, napagtanto kong limang araw ko na lang makakasama si Jaxx. What are we gonna do in the remaining five days? Parang pinipisil ang puso ko sa nararamdaman ko. Halos sampung buwan na naman akong mag isa dito sa LA. The thought of living here alone was fun at first. I have the freedom to do anything I want because no one's here to watch over me. Pero mahirap rin pala. Yes, it is fun to roam around here and shop, but the fact na wala kang uuwiang taong mahal mo na sasalubong sa'yo is killing me.

Alam ko namang kaya ko. Nasanay lang ako na matagal kong nakasama si Jaxx dito.

Narinig ko ang pagbukas ng sliding door kaya napalingon ako doon. Ngumiti si Jaxx at agad akong nilapitan. He hugged my waist gently and rested his forehead on my shoulder.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon