Chapter 2

134 3 0
                                    

Chapter 2

Ngumisi si Jaxx nang nagkatitigan kami. Pero umiwas siya nang tingin ng tawagin siya ni Ezekiel.

"That's an asshole." Ani Vera at ininom ang isang liquor na nasa harap niya.

"Wala namang kaibigan si Russel na hindi katulad niya. Si Ezekiel nga nahawa sa kanya, e." Sabi ko at nag salin ng tequila sa shot glass ko. Tinitigan ko lang yung shot glass ko.

"I know right." Humalakhak si Vera. Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong papalapit sina Russel dito. Kasama ang mga kaibigan niya. Nakita ko agad ang nakangising si Jaxx. Halos isang oras palang kami dito. Pero mukhang nakarami na sila.

"Tara, sa dancefloor!" Ani Ezekiel. He's drunk. Tumawa ang mga pinsan ko at ang iba pa naming kaibigan. Dumiretso si Ezekiel sa dancefloor.

"That boy is drunk!" Humalakhak si Ria. "Ano, hindi ba kayo sasayaw?" Tanong ni Kian.

"Let's go!" Ako na ang nag salita at inunahan sila sa gitna. Mausok at madilim. Tanging disco light at ilang mga ilaw lang ang maliwanag dito. Mausok. It's probably because of the people who's smoking. Ang iba ay vape.

Nagulat ako nang may lumapit sa akin sa kalagitnaan ng pagsasayaw ko. It's Jaxx fucking Atienza.

"Hey!" Binati ko siya. Ngumisi siya at pumikit. Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw. Pinagmasdan ko siya nang dumilat siya. Mahirap madepina ang nararamdaman niya kung sa mata ka magbabase. Hindi expressive. Misteryoso. But it's goddamn sparkling. And I freaking like it. Parang may kuryente. Ang tangos ng ilong niya. And his kissable lips. Na laging nagsasabi na halikan mo. And his tanned skin. He's perfect.

"You're Russel's cousin, right?" Bigla niyang sinabi kaya halos mapatalon ako sa gulat. Ngumisi ako at tumango. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakangisi at mapupungay ang mga mata habang tinititigan ako. "You're the bad girl." Aniya.

"Well, you can say that." Sabi ko at tumingala. Pumikit ako. Nilagay ko ang mga braso ko sa magkabilang balikat niya. Binaba ko ulit ang tingin ko sa kanya. "And you're my cousin's friend. That means you're an asshole." Sabi ko nang wala sa sarili. Humalakhak lang siya sa sinabi ko.

"By the way, I'm Shan--" Pinangunahan niya ako. Oh. Okay.

"Shanelle Louise Zamora." Ngumisi ulit siya. Damn. Mas lalo siyang gumagwapo pag nakangisi siya.

Hinigit niya ako sa bewang ko, dahilan para mas maglapit kaming dalawa.

Nilapitan siya ng mga pinsan ko at iba pang kaibigan niya. "Behave, Shane!" Humagalpak sa tawa ang may tama na na si Kian.

"Don't be a jerk and hurt my cousin. 'Di pa 'yan naiinlove!" Tumawa si Ezekiel. "Chill, I won't hurt your cousin, dude." Tumawa na rin si Jaxx.

Umirap na lang ako at natawa sa pagiging over protective ng mga pinsan ko. Siguro dahil kaibigan nila, akala nila magkakadevelop'an kami.

Napansin ko na may isang lalaki na nakatingin sa akin. Magkasalubong ang mga kilay niya. Si Angelo. Napa-smirk ako. Vera shouldn't have invited this boy. Nakaka irita lang tignan kung lagi 'yan sisimangot everytime may kasama akong ibang lalake. Very territorial. Wala namang karapatan. Tsk.

Bumalik kami sa table. Ngayon ay magkakasama na kami sa iisang table. Kakaupo pa lang namin ay umalis na agad si Russel at Ezekiel. I am not surprised. Ganyan 'yan lagi.

Nanliit ang mga mata ko nang inaya nila si Jaxx at Ian. Okay.

"Alexis." Seryosong sinabi ni Ralph kay Alexis nang makaalis na sina Ezekiel at Russel. Nakita ko agad ang pamumula ng pisngi ni Alexis at nahihiyang nilingon si Ralph. "Go, Ralph." Ngumisi ako at tumawa naman ang mga kaibigan namin. Nakuha pa nga namin asarin ang dalawa.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon