Chapter 42

22 0 0
                                    

Chapter 42

Mabilis ang mga araw. Biyernes na agad ngayon at ngayon na ang flight ng Ate ni Jaxx tungo rito!

Noong Wednesday ay alas siyete na ako nakauwi dahil sa report na tinapos ko. Hindi naman dito natulog sina mom dahil lumipat na rin sila sa hotel noon Wednesday. Kahapon, bumisita lang sina mom. Si Jaxx, sa Santa Barbara daw nag dinner kaya hindi na nakadalaw.

Anong oras ang dating ni Ate Jade dito? Gusto kong malaman dahil baka mamaya ay magulat na lang ako at nandito na siya. Tinext ko agad si Jaxx pagkagising ko.

Shane:

Good morning! Anong oras ang dating ni Ate Jade dito?

Naligo't nagprepare muna ako dahil may klase pa ako mamayang 8. Pagkatapos maligo ay tinignan ko ang reply ni Jaxx.

Jaxx:

'Morning. Around 1-3 pm siguro. Sama ka?

Alas tres ang uwian ko ngayon. At wala rin naman akong balak sumama dahil nakakahiya kay Ate Jade.

Shane:

Nope. Alas tres ang uwian ko ngayon.

Nagprepare rin ako ng green tea at oatmeal para sa sala ko na lang kainin. Nanood ako ng tv habang kumakain. Hindi ko pa pala natitext sina mom kaya iyon ang ginawa ko.

Tumawag si mom at agad ko ring sinagot.

"Mom!" Pambungad ko dahil walang nagsasalita.

"You shocked me, Shanelle! God!"

Natawa ako.

"I just wanna inform you na dadating ang ate ni Jaxx dito... Mamayang hapon siguro." Sabi ko.

Wala namang masama kung sasabihin ko sakanila, diba?

"Oh, really? That's good, then. Magmimeet kayo?" Tanong ni mom.

Ngumiwi ako.

"I'm not sure. Nakakahiya."

"Oh, come on! I'm sure you'll do good kapag magmimeet kayo. Just be kind, anak." Sabi ni mom.

Uh, not really. Naalala ko bigla ang mga sinabi ng lola ni Jaxx. I will never do something good for his family. Siguro, kung lulubayan ko si Jaxx, matuturing pa nila iyong magandang asal. But I can't do that...

"Wish me luck, mom. Pray for me."

Tumawa si mom. "Okay, okay."

Nang matapos ang tawag ang nag ayos na rin ako ng sarili bago bumaba sa parking lot.

These past days, hindi ko na masyadong nagagamit ang kotse ko sa school dahil sinusundo ako ni Jaxx. Magdadala ako ngayon. Namiss ko na ring iharurot ang bmw ko.

Naging busy kami sa school. Iniintroduce na rin ang mga projects sa iba't ibang subject dahil after midterms, pahinga muna ng dalawang araw at tsaka namin uumpisahan ang mga projects. I hate school, fudge.

"I'll finish the whole description and dimentions and then I'll give it to Shanelle for her to print it. Sounds good?" Sabi ni Georgina.

Nasa Cafeteria kaming magkakaibigan ngayon. By friends na kasi ang isang mini task namin. In collaboration ito with the Architecture students. Kaming Engineering students ang mag-aayos ng mga sukat at description ng bahay. At ang mga Architecture students naman ang gagawa ng miniature. Magbabase lang talaga sila sa mga dimensions na gagawin namin at siyempre, mga materials na gagamitin like glass, type of tile na gagamitin at iba pa.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon