Chapter 21

45 0 0
                                    

Chapter 21

"Kailan mo nakilala si Jaxx?" Sabi ni mommy nang isara ni lola ang pintuan. Kami na lang nila mommy, daddy, Vera at Russel at naiwan dito. Handa na ako para sa mga sermon na ni minsan sa buhay ko, hindi ko napakinggan.

Hindi ako makasagot kay mommy. Umupo si Russel sa harap namin at siya na ang sumagot sa tanong.

"Kaibigan ko po. One week after umuwi si Shane galing America." Sinulyapan niya ako bago tignan si mommy.

"Did you know that your friend and Leanne are dating? Hindi mo ba napagsabihan si Shanelle?" Sabi ni daddy.

"Hindi, tito. Wala siyang nabanggit sa amin."

"Shanelle, I am so disappointed. You're allowed to date anyone! Pero bakit boyfriend-"

"Mom, hindi ko nga alam iyon noon-"

"E, nang malaman mo? Why didn't you stop?" Mahinahon ngunit alam kong galit si mommy.

Wala akong naisagot. Sino ba ang nagsusumbong kay mommy at bakit marami siyang alam? Damn!

"Vera said that you and that boy are still, dating?" Tinaas ni mommy ang mga kilay niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Nang makita ko ang nakakunot noong si Vera ay wala akong ibang naramdaman kung hindi ang dumadaloy na galit sa dugo ko. Dapat ba akong magalit? O ginawa lang talaga ni Vera ang dapat niyang gawin? After all, may mali rin naman kasi kami. Ako.

Hindi naman pwedeng ayaw niya lang magtago kayla mommy. Simula pa lang noong namulat ako sa mga party ay nagtatago na sila kay mommy at daddy para lang hindi ako mapagalitan. Nagsisinungaling sila para lang sa akin. Dati ay wala lang iyon sa akin. Pero ngayon? Damn. Parang ang sama sama kong tao.

"No." Mariin kong sabi at nakatitig pa rin kay Vera na hindi ako matignan. "We didn't even date. Wala na po k-kaming koneksyon sa isa't-isa."

Namuo ang nga luha ko at bumalik sa isipan ko ang mga text ni Jaxx. May text kaya siya ngayon? Ano kaya ginagawa nila ngayon?

"You need a twenty-day distance with that boy. It's either you'll transfer to another school or move to Los Angeles."

Napairap ako ng patago. Alam kong wala ako sa tamang posisyon para sa mga kaartehan ko. Pero ang iisipin na lalayo nanaman ako sa mga malapit sa akin ay hindi ko lang talaga matanggap. Wala ba silang tiwala? Ganoon nalang kabilis gumawa ng mga desisyon?

"I don't need anything just to forget someone, mom. Alam ko naman po ang mga bagay na hindi maganda ang dulot sa akin. Alam ko ang mga dapat kong itigil. I know my limitations." Yumuko ako. Ayaw ko talaga umalis.

"Pag uusapan na lang natin. Huwag tayong magpadalos dalos sa mga desisyon natin." Sabi ni daddy.

Nag usap si mommy at daddy ng pabulong. Nagkaroon pa nga yata sila ng kaunting alitan dahil sa mga desisyon nila. Hindi ako nakinig dahil wala na ako sa sarili ko. Galit ako pero hindi dapat ako magalit. Wala ako sa tamang posisyon para magalit at mag inarte ngayon. Sobrang nasasaktan ako, oo. I deserve the pain, anyway.

Napapairap na lang ako sa tuwing nababanggit ang pangalan ko.

"Vera. Ano ba talaga ang mayroon sa anak ko at sa kaibigan niyo?" Sabi ni daddy.

"H-hindi ko po alam, tito."

Well, fuck life! Of course you know it!

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon