Chapter 23

35 1 1
                                    

Chapter 23

Nabalot kami ng katahimikan buong byahe. Naiilang pa rin ako dahil baka may nakakita sa amin. Dapat ay hindi ko siya kasama ngayon. Bakit kasi pumayag pa ang mga pinsan ko, e! Akala ko ba ay hadlang sila sa amin? Damn!

"Am I allowed to enter your village?" Sabi niya.

Napaayos ako ng upo. Nandito na pala kami sa amin. Isang liko na lang ay subdivision na namin.

Umiling ako. "D-dito na lang..."

I unbuckled my seatbelt. Inayos ko na rin ang bag ko. Dapat ay bubuksan ko na ang pintuan ngunit naka-lock pala iyon.

"Jaxx..." Nilingon ko siya dahil hindi niya iyon binubuksan.

"Bakit ka pumunta sa Davao?" Sabi niya, nakatingin sa akin ng seryoso.

Nag iwas ako ng tingin.

"Sa negosyo namin. Uhm, sinama lang ako."

"Stop lying, Shane. Look at me." Aniya. Masyado bang halata na nagsisinungaling ano? Damn! Dapat ay kanina pa ako umalis! Nagdidilim na rin.

"Nag usap lang kami, promise. Binisita sila lolo." Pilit akong ngumiti.

"Ikaw, anong ginawa niyo ng mga pinsan ko?" Ngumisi ako. Masama talaga na kasama ko siya. Walang preno ang mga salita ko.

"I'm sorry." Kinagat niya ang pang ibaba niyang labi.

"Kay Leanne ka mag sorry, Jaxx. Hindi ako ang girlfriend mo." Ngumisi ako ulit ngunit nanginginig na ang boses ko.

"I know you're hurt. You don't deserve this." Sabi niya.

"I do." Sabi ko.

"Please, Jaxx. Itigil na natin 'to. Marami nang nadadamay. Marami tayong nasasaktan." Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. It just happened.

Umiling si Jaxx.

"No. Hindi sa lahat ng oras tayo ang masusunod, Jaxx. E 'di kung tayo talaga, dapat walang hadlang, diba? Kung tayo talaga, magtatagpo naman tayo sa ibang panahon. Let's just wait for the perfect time, please." Naiiyak na ako ngunit hindi ako nagpatalo.

"Mali, Shanelle. Kung tayo talaga, dapat walang bibitaw." Sabi niya at hinampas ang manibela. Napapikit ako ng mariin. No. Don't fucking cry.

May ginalaw siya sa gilid at bumukas na ang lock ng pintuan.

I cleared my throat. "Thank you for the ride."

Galit siya. Alam kong galit siya. Dahil kanina lang ay maayos kaming dalawa. Pero heto ako ngayon, bumibitaw. Kung ipaglalaban pa namin ito, para saan pa? E, wala namang sumusuporta? I don't know. Wala akong alam sa mga ganito. Pero sa tingin ko ay tama na rin ang ginawa kong desisyon. Kung kami talaga, dapat marunong kaming mag hintay para sa isa't isa.

I cried myself to sleep. Kaya naman nang gumising ako ng umaga ay medyo namamaga ang mga mata ko.

"Breakfast is ready." Ngumisi sa akin ang mayor doma ng bahay namin. Si Manang Arabella.

Dumiretso agad ako sa dining area namin at wala na agad doon sila mommy. Anong oras na ba? Umatras ako para tignan ang wall clock namin. Damn! It's already 6:45! Minadali ko ang pag kain ko. Dalawang kutsara lang ng waffle ay umalis na agad ako. Sinubukan ko ring mabilisin ang pag ligo ko ngunit hindi rin nag kasya sa sampung minuto ang mga routine ko. Lumabas ako sa kwarto ko ng kwarto ko ng 7 am. Wala na akong naayos sa buhok o sa mukha ko.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon