Chapter 26

58 0 0
                                    

Listen to 'Malaya' by Moira Dela Torre.

Chapter 26

Hindi gaanong mabilis ang pagpapatakbo ni Jaxx sa Audi niya. Palapit ng palapit sa bahay namin ay mas lalong bumabagal ang takbo.

Nilingon ko siya at magkasalubong ang mga kilay niya. Nakatiim bagang siya.

Nang pumula ang stop light ay ipinahinga niya ang siko niya sa salamin ng kotse niya. His index finger brushed his lower lip slowly.

Magulo ang buhok niya. I think he needs a trim.

Kinagat ko ang ibaba kong labi. Why do I find him so damn sexy?

"Kailan ka huling nagpagupit?" Ewan ko kung saan nanggaling iyon. I'm just too curious.

Ngumisi siya at nilingon ako. Bahagya pa akong nasilaw sa kulay silver niyang earring sa kaliwang tainga.

"You want me to cut my hair?" Aniya.

Ngumuso ako. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko at bumalik rin naman agad sa mata ko.

"It's your choice, though." Sabi ko at tumingin sa daan. "But if you're going to ask me, trim lang naman. Masyado ng mahaba." Ngumiti ako.

Bumalik ang tingin niya sa kalsada nang naging green ang stop light.

Niliko niya ang kotse. Nasa Global City kami ngayon. May daan naman patungo sa in kaya hindi ako umapila. Baka kasi traffic sa tamang daan kaya pinili niya dito. Mas malayo nga lang dito.

Tinigil niya sa isang mamahaling barbershop. Vintage ang theme ng salon. Halatang pang lalaki.

"Jaxx..." Sabi ko.

Ngumisi siya at tinitigan lang ako.

Hahayaan ko siya ngayon. Bahala nang masaktan. Bahala na.

Bumaba siya at umikot para pag buksan ako ngunit inunahan ko na siya. Pinagbuksan niya ako sa shop at napalingon lahat sa akin.

"Sir! Ang tagal mo nang hindi bumibisita dito, ah?" Bati sa kanya ng isang lalaki na nakauniporme na tuxido.

"Trim lang." Sabi ni Jaxx at nilingon ako.

Oh gosh. I'm can't believe I'm letting him do this. Tinanong ko sa kanya kung kailan siya huling nagpatrim. At ngayon ay magpapatrim na siya!

Umupo ako sa isang bakanteng upuan malapit kay Jaxx. Doon niya ako pinaupo.

"Oh Sir, sino ang nakapilit sa'yo na magpagupit?" Sabi ng isang lalaki habang inaayos ang mga gamit na gagamitin niya.

Nilingon ako ni Jaxx at tumawa siya.

"I want to say that she's my girlfriend... But I think it's better to call her my soon to be wife." Mas lalo siyang humalakhak.

Napaka-cheesy at corny noon at alam kong alam iyon ni Jaxx kaya ganoon na lang ang halakhak niya.

Uminit ang pisngi ko at napangisi. Umirap na lang ako.

Nilingon ako ng lalaki na kausap ni Jaxx at binigyan ng makahulugang ngiti si Jaxx. Nakakahiya, Jaxx Emmanuel!

Hindi gaano katagal ang pag gupit sa kanya. Hindi ko lang siguro napansin ang oras dahil masyado akong taranta s amga titig ni Jaxx.

"All done, Sir." Sabi ng lalaki.

Inalis noon ang itim na telang soot ni Jaxx. Tumayo si Jaxx at inayos ang buhok.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon