Chapter 6

86 0 0
                                    

Chapter 6

Hindi ko nasagot si Jaxx. This feeling is extreme.

"Bro! Hinahanap ka ni--" Napatalon ako sa tawag ni Ivan kay Jaxx. Nang lumingon ako ay tinigil niya ang sasabihin niya. I shouldn't be here, right?

Hinihingal si Ivan at nanlaki ang mga mata. "Sorry." Nag peace sign siya kay Jaxx at lumapit kay Russel.

Nakita kong papalapit si Ria sa amin ngunit abala siya sa kanyang phone kaya bahagya akong lumayo kay Jaxx.

Nag angat ng tingin si Ria sa akin t binalewala ang katabi ko. "Samahan mo ko, please?" Tinago niya ang phone niya sa bulsa. Saglit niyang tinignan si Jaxx at nag pabalik bali ang tingin sa aming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling dahil sa makahulugang tingin na binigay niya sa akin.

"Saan?" Nagtaas ako ng dalawang kilay. "Just go and follow me." Iritado niyang sinabi at umirap. Napatawa nalang ako at nilingon ang gilid ko na wala na pala akong katabi. Baka umalis na sila dahil wala na rin sina Russel, Kian at Ivan.

Hinila na ni Ria ang kamay ko at bumaba na nga kami sa ground floor.

Dumiretso kami sa quadrangle. Kaunti lang ang tao. Luminga linga si Ria at parang may hinahanap kaya ginawa ko rin iyon. Hinanap ko kung sino man ang hinahanap niya.

"Ayaw ni Kuya Ralph ng ganito. But can you please keep this as a secret until graduation?" Aniya at may lumapit sa kanya na lalaki. Matangkad ito at may itsura. 3rd year college na si Ria at si Ralph at Kian naman ay 4th year na. Kami nina Vera at Kyla nalang ang 2nd year college. Si Russel at Ezekiel naman ay 3rd year college.

Hindi ko sinagot ang gustong mangyari ni Ria. Ayaw kong malaman ito nila Ralph at Tito at masali pa ako dahil sinuportahan ko pa si Ria. Wala naman akong alam sa relasyon ni Ria ngunit sa mga napagmamasdan ko sa kanya ay hindi nga maganda ang epekto nung Aaron sa kanya. Madalas na siyang magtago. Well I'm not surprised. I'm used to doing bad things. Siguro ay sa pamilya ni Ria ay hindi ito maganda sa kanila.

Umupo kami sa mga mesa na nandito sa cafeteria.

"Go on." Sabi ko nang nilingon ako ni Ria dahil alam kong naiilang siya na pinapanood ko silang mag usap ngayon.

I shouldn't be here.

Tumayo ako at lumipat sa mesa kung saan hindi ako makikita nang dalawa.

May mga bumababa na sa hagdan dahil reces na ng iba ngayon. Mamaya pa ang amin pag katapos ng kanila. Inabala ko nalang ang sarili ko sa cellphone ko. 30 minutes pa ang oras na iintayin ko para sa aming first break.

"Ah, miss, occupied?" Tanong n isang babae sa akin. Hinead-to-foot ko siya. Mahaba ang kanyang straight na buhok at sobrang tan niya ngunit maganda siya. Mas matangkad pa ata ako dito.

"Yeah." Tumango ako. Wala naman akong pake kung may kahalo man ako sa table na ito.

Hindi ko na pinaalam kay Mom na may try out mamaya para sa volleyball. Alam ko namang sasabihin noon na dapat ay sa swimming ako mag try out dahil iyon ay kakailanganin ko. Marunong naman ako doon.

Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Jaxx kanina. Hindi katulad ng nga ibang lalaki na na encounter ko. Iba siya. Pero mas naguguluhan lang ako dahil sa madalas na pag banggit ni Ivan sa pangalan na Leanne kay Jaxx. Kung girlfriend niya man ito, alam kong hindi niya sineseryoso dahil marami pa siyang babae. Come on. Boys. Maraming reserba 'yan.

"So, Leanne, how's your life with Jaxx?" Nanlaki ang mga mata ko at napatingin agad sa nag salita. Nasaan si Leanne sa kanila? Lima silang magkakaibigan, the hell can I find that freaking girl?

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon