Chapter 24

39 0 0
                                    

Chapter 24

Nang makapasok na kami sa room ay umupo ako sa harap. Wala akong natanggap na kapirasong papel buong klase. What do you expect, huh Shanelle?

Nang matapos ang klase ay inayos ko ang gamit ko. May mga libro akong dala at mga binder pa.

"Oh my God!" Napasigaw ako nang mag umpisa akong maglakad ay natisod ako.

Nagkalat ang mga libro at binder ko sa lapag. Ngunit ako ay nakapikit, nakasandal sa isang lalaking napakatangkad at napakabango. Nakasandal ako sa dibdib niya at rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. Damn. Sakanya pa talaga.

"Uh... Sorry." Agad akong lumayo kay Jaxx at pinulot ang mga libro ko.

Luckily, he's not mad. Tinulungan niya pa ako. Napangiti ako nang iabot niya sa akin ang mga libro ko.

"Damn..." Namamaos ang boses niya at ramdam ko ang pagiging malamig nito.

Umiling siya.

Napawi ang mga ngiti ko. Akala ko kasi hindi siya galit...

Lumuhod siya at inabot ang paa ko.

Oh. Natanggal sa pagkasintas ang sapatos ko. Dahilan kung bakit ako natisod. Itinali niya iyon.

"T-Thank you, Jaxx." Sabi ko nang matapos siya doon.

He smirked and left.

Napahawak ako sa dibdib ko. Naninikip ito dahilan kung bakit nahihirapan ako huminga ngayon. Tumagal iyon ng isa o dalawang minuto bago ko nakalma ang sarili ko. Bawal ba pag sabayin ang sakit at kilig? Damn! Pakiramdam ko mamamatay na ako sa hirap kong huminga.

"May history ba ang pamilya ninyo sa sakit sa puso?" Sabi nang nurse sa school.

May isang oras naman akong bakante kaya nagpatingin muna ako. Hindi ito normal. Yes, I have asthma. Pero hindi naman ganoon kalala ang hingal ko.

Umiling ako. "Uh, I'm not sure."

"You better consult your family doctor. If none then I guess..." Nagkibit balikat ang nurse. "This is just an asthma attack." Ngumiti ang nurse.

Grabe'ng Jaxx 'to! Umabot pa ako sa clinic, damn!

Pagkalabas ko ay nakasalubong ko agad si Leanne at Jaxx. Kakaayos lang ng pakiramdam ko. Babalik na naman ba ako ng clinic? Argh!

"Oh, anong ginawa mo sa clinic?" Sabi ng isang lalaki sa tabi ko.

Napatalon ako at napalingon naman si Jaxx na nakasimangot. Si Ethan ang kasama ko ngayon. I glared at him.

"You scared me to death! Dahan dahan naman!" Sabi ko at natawa ng bahagya dahil sa takot niyang mukha.

"Ay... Sorry!" Napakamot siya sa batok.

"Ano ginawa mo sa clinic?" Kumunot ang noo niya.

Ngumiwi ako.

"Nagpacheck up lang. Wala ka pa bang klase? Baka mahuli ka?" Sabi ko.

Nagsimula kaming maglakad tungo sa quadrangle kung saan papunta sina Jaxx at Leanne.

"Magkaklase tayo sa susunod na klase, Ma'am." Ngumisi siya.

"Oh, okay." Sabi ko.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon