Chapter 5

77 0 0
                                    

Chapter 5

Dahil hindi naman ako uminom kagabi ay ako ang unang nagising sa kanila. Alas singko pa lang ng umaga pero naligo na ako kahit mamayang 7:30 pa ang simula ng una kong klase. Marami naman ang CR dito kaya panigurado ay hindi kami mag uunahan.

Dumiretso ako sa Closet ko sa CR nang matapos akong maligo. Pag katapos kong magbihis ay nakita ko na dilat na rin pala si Kyla.

"Bad idea. Hay, hang over!" Aniya at umupo. Tinakpan niya ang mukha niya ng dalawa niyang kamay. Umiling ako at ngumisi. Kinapa ni Kyla ang cellphone niya na nasa ilalim ng unan niya at may dinial na number.

Tumambay muna ako saglit sa couch dito sa kwarto ko. Alas sais pa lang naman ng umaga.

"Hello, Kuya." Kinusot niya pa ang mata niya.

Tinignan ko ang cellphone ko na wala namang importanteng mensahe o kung ano man. Kadalasan ay mga chat sa mga kaklase ko na nagtatanong kung may assignment ba. Ang tanging sinagot ko lang na text ay ang kay Daddy

Daddy:

Go to school early, okay? Palagi ka raw late.

Hindi ko na inisip kung kanino man nalaman ni Daddy na late ako halos palagi. Lagi akong kinukuhanan ng ID ng guard namin dahil 5 minutes late daw, minsan sampung minuto late pa. Minsan lang ako pumasok ng maaga.

"Shut up! Basta dalhan mo na lang ako, please?" Napasimangot si Kyla nang lingonin ko siya. "Daddy's going to kill--" Naputol ang sasabihin niya.

"Ito na, ito na. I'm on my way. Stupid brat. Tsk." Narinig ko sa kabilang linya. Si Kian ang kausap ni Kyla.

"Thank you, you're the best!" Sarkastikong sinabi ni Kyla at binaba na ang telepono. Nag inat siya at tumayo na rin.

"Baba lang ako." Sabi niya at ngumiti.

Binaba ko na ulit ang tingin ko sa cellphone ko na naka ready na sa reply ko kay Daddy.

Shane:

Yup, Dad.

Bumaba na rin ako para kumain ng breakfast. Nadatnan ko si Mommy na busy sa Macbook niya habang nakaupo sa dining able at umiinom ng kape.

"Morning." Bati ko at nakipag beso. Umupo ako sa katapad na upuan ni Mommy.

"We have a family dinner tonight, with the Alcantaras." Iyon agad ang sinabi ni Mommy pagkaupo ko.

Hindi naman ako malapit sa side ni Mommy dahil kadalasan ay ang mga Zamora ang kasama ko. Isa pa, ang mga tita ko sa mga Alcantara ay hindi ako gusto. Base sa pakikitungo nila sa akin noong reunion namin noong isang taon, hindi iyon maganda. May binubulong sila kay Mommy na hindi raw maganda ang pagpapalaki nila sa akin. Ngunit ang pag tanggi sa dinner mamaya ay makakasakit sa kalooban ni Mommy.

"Susunod na lang po ako. Saan po ba?" Tanong ko at kinain na ang hinanda nila Manang.

"Italianni's Restaurant, Shanelle. 6 pm."

4:30 pm ang oras ng huling klase ko kaya hindi nga ako malelate kung hindi ako magpapalate. Siguro ay magpapalate nalang ako ng 20 minutes.

Tinignan ko ang orasan sa may sala at nakita kong 6:30 na. Siguro ay nagising na rin sina Vera at Ria sa taas.

"Thank you!" Narinig ko si Kyla sa may double doors namin. It must be Kian.

Pumasok na si Kyla sa loob ng bahay at nginitian si Mommy. "O, Ang kuya mo ba ang nag hatid?" Tanong ni Mommy at nginunguso ang naka hanger na uniform ni Kyla.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon