Chapter 3

108 1 0
                                    

Chapter 3

Sinundan ako nina Vera nang humiwalay na ako sa mga pinsan naming lalaki. Iba naman ang schedule ng mga iyon. Napatingin ako sa relos ko at nakitang araw pala ng training ngayon sa volleyball. Kaming magpipinsan ay hilig ang sports at magaling sa sports. Probably because of our ancestors.

"Ngayon din pala ang training for basketball." Sabi ni Alexis. "Hindi ba't kasama sila Ralph doon?" Aniya.

Napangisi at napailing nalang ako. Not really being bitter, though. Being in a relationship is just not my thing.

"Yeah, but I think hindi sasali si Kuya." Napalingon kaming lahat kay Ria. Umiling siya at ngumisi. "Ezekiel." Napansin ko pa ang pag bagsak ng balikat ni Alexis. Siguro ay akala niya si Ralph ang hindi sasali.

"We all now, basketball is not his thing. Mas hilig niya ang soccer." Tumango pa si Vera sa sinabi niya. Sa USA lumaki ang isang 'yon. Doon rin ako nag aral ng highschool. Lahat kaming magpipinsan ay nag stay rin sa USA ng matagal tagal kaya liberated kami.

Tahimik lang ako habang sila ay nag tatawanan. Wala ako sa mood. Iisipin ko palang na hell week na simula ngayong Monday ay napapagod na ako. School is silently killing me, to be honest.

Hindi ko ba alam kung bakit ako ang nasa gitna namin kahit hindi naman ako nagsasalita.

"Sa bahay tayo nila Shane?" Natauhan ako nang narinig ko ang pangalan ko. Nilingon ko si Kyla nang banggitin niya ang pangalan ko. Napansin niya siguro ang pagiging tulala ko.

"Can't. May lakad ako." Umiling si Alexis.

Ang iba naman ay sumang ayon. Sanay na akong nandoon sila sa amin. Bahay na namin ang nag silbing tambayan ng mag pipinsan. Siguro dahil na rin sa music room. Magandang mag movie marathon doon. Parang nasa theater.

Naging mabilis ang oras sa akin. Ang tatlong period ay parang isang minuto lang lumipas. May sipon ako ngayon at masama ang pakiramdam. Pupunta pa ang mga pinsan ko sa bahay namin. Gusto kong tumanggi kanina ngunit masyado akong tamad para mag salita. Hinayaan ko nalang.

"Oh, what's with you?" Iyan agad ang sinabi ni Kian nang makarating ako sa pwesto nila. Nandito kami sa dulo ng hallway. Malapit sa hagdan. Siya lang ata ang nakapansin ng pagiging tahimik ko. Kadalasan ay ako pa ang may pinaka malakas na tawa dito.

"Nothing." Lumingon lingon ako at napansin na wala na si Alexis at Ralph. Napangiwi ako. Good luck nalang sa kaibigan ko. I hope she's not one of Ralph's victims.

May kung anong tinitignan si Russel sa seryosong si Jaxx. Nakatungo sila sa iphone, kay Jaxx siguro ito.

"Basic!" Pag mamayabang ni Vincent at inagaw ang cellphone kay Jaxx. Sumimangot naman agad si Jaxx at ginulo ang buhok.

Halos ihagis na ni Vincent ang cellphone kaya inagaw naman ulit ito ni Jaxx. "Daya!"

"Hindi ka lang magaling, weak!" Humalakhak si Jaxx. Nag asaran pa sila. Hinarap ko nalang sila Vera upang maalis ang titig ko kay Jaxx. Damn, what's wrong with me?!

Sasabat na sana ako sa usapan nila pero may nakita akong mga babae. Papunta ang direksyon niya sa mga lalaki. Apat sila at mukhang model. Ilang beses pa akong inirapan nung pinakamaliit sa kanila. Umirap din ako nang irapan niya pa akong muli. Madalas akong nag gigym kasama ang mga pinsan ko. Ang mga lalaki kong pinsan ang madalas mag lift. May sarili akong trainer at ang itinuturo niya sa akin ay iyong mga basic exercises. Gamit ang swiss ball at minsan ay boxing. Depende sa araw, minsan ay cardio naman.

Ngumisi iyong babae at dumikit na parang higad kay Jaxx. Nakaramdam agad ako ng galit. Why is she flirting with him? Kilala ba siya ni Jaxx? Maybe a friend? Or... Fling? Baka girlfriend?! Argh! Umiling ako. Kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa ay wala na ako roon. At kung ano man itong nararamdaman ko, I better kill it before it grows.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon