Chapter 27

42 0 0
                                    

Chapter 27

Nakarating na kami sa airport. Mag-aalas tres na.

Nilingon ko ang butler namin. Si Patrick. Lalaki siya ngunit paningin ko ay bisexual base sa inaakto niya. Parang bakla.

"I'll just buy something." Sabi ko sa kay Patrick.

Tinignan ko ang cellphone ko.

Jaxx:

Turn your back, babe.

Okay na, bakit may 'babe' pa? Damn!

Unti-unti akong lumingon sa likod. Nagulat ako at nandoon si Jaxx. I hugged him. Niyakap niya ako sa baywang.

Kumalas ako.

"S-sinong kasama mo?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya at umiling.

"Okay..." Sabi ko. "Kasama ko ang butler namin..."

"Girl?" Nagkasalubong ang kilay niya.

Ngumuso ako at unti-unting umiling. Nagtiim bagang siya.

"Lalaki." Sabi ni Jaxx. It was not a question.

Tinitigan niya lang ako. Hindi ko kinaya ang titig niya kaya umiwas ako. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay pumungay ang mga mata niya.

"Bakla 'yon, si Patrick, ang butler namin." Sabi ko. Parang natatawa si Jaxx. He smirked.

"Give me your phone..." Aniya.

Inabot ko agad sa kanya ang cellphone ko. Tumabi pa ako sa kanya para tignan kung ano ang gagawin niya.

Pumunta siya sa skype at inadd ang account niya. Sa facetime din ay nilagay niya ang account niya. Napangisi ako.

"Paano kung kunin nila ang cellphone ko?" Sabi ko.

"Trust me, they won't." Sabi niya.

Yumuko ako at napatingin sa wrist watch ko. Kung makapag usap kami ay akala mo normal na pagkikita lang.

3:10 pm.

Nag angat ako ng tingin kay Jaxx. Baka mahuli ako.

"Jaxx... Papasok na ako..." Sabi ko.

In just a click, he grabbed my waist and hugged me very tight. Ganoon din ako. He kissed my forehead. My nose. And lastly, my lips.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Shh... I'll try to visit you there." Sabi ni Jaxx habang niyayakap ako.

"Magagalit lang sila sayo kapag g-ginawa mo iyon." Sabi ko.

"Magalit sila. I have my own plans now..." Malambing niyang sabi. I just want to stay with him forever. Kung pwede lang.

"Jaxx I have to go..." Sabi ko.

He pulled me closer to him. "One last, please..."

Walang gustong kumawala. Inaamoy niya ang buhok ko ngayon. Napapikit na lang ako. Kahit pabango niya lang. I just want to know his scent. Even his scent, damn, I'll miss it.

Nang may tumawag sa cellphone ko ay tsaka lang kami kumawala sa isa't isa.

Namumula ang mga mata ni Jaxx. Gosh!

"I love you... J-Jaxx." Sabi ko. He kissed me. Saglit lang iyon.

"I love you even more." Aniya.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon