Chapter 15

72 0 0
                                    

Chapter 15

Sa sumunod na mga isla ay sila Vera na ang kasama ko dahil nahila na nina Russel si Jaxx. May mga tao dito at marami ang mga naka-bikini. Umiling ako. Nope. I'm not wearing one now.

Doon pumunta sila Russel.

"Shane! You see that guy?" Sabi ni Kyla sa akin habang nag aasaran kami sa kung sino ang hindi marunon lumangoy. Nilingon ko ang tinuro niya na si Ethan.

Tumango tango ako at nilingon si Kyla pabalik. "Uh-huh?"

"You know him?" Kumunot ang noo niya. "Nakita ko kayong magkausap."

"Ah, yup." Tumango ako at natawa. Kaibigan ng kuya niya hindi niya kilala! Mas lalo lang kumunot ang noo niya sa pagtawa ko.

"Okay... Akala ko natali ka na, e."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at nilingon si Jaxx. Ngayon ay may kasamang babae. Umiling ako. Hindi iyon sagot kay Kyla ngunit sa tingin ko ay tinanggap niya iyon bilang sagot ko. Hinayaan ko siya.

May mga vendor sa isla kaya ang mga loko kong pinsan ay nag order ng beer. Sila Ezekiel. Wala akong ibang magawa kung hindi tumulala lang sa kanila. Hindi ko alam pano nila nabingwit ang mga serena na kasama nila ngayon. Umirap ako. Assholes.

Kasama nila si Jaxx na mukhang walang pake alam.

"Oh, tutunganga ka na lang ba?" Napatalon ako sa sinabi ni Vera. Oo. Tutunganga lang ako. Wala akong karapatang mag selos. Kahit masakit. Kahit. Wala pa rin akong karapatan.

Ngumisi ako at tumango.

Nag kibit balikat siya at ininom ang cocktail. Kanina pa pala ito nandito. Mukhang galing din sa pinagbilhan nina Russel.

Trust worthy nga ba talaga si Jaxx?

Pinipiga ang puso ko habang nadirinig ko ang ingay sa cottage nila di kalayuan sa amin. Kahit si Jaxx ay tumatawa habang may babaeng kasama.

Fuck my cousins. Sa school nga may mga babae na, pati ba naman sa palawan? Mang dadamay pa?!

Si Leanne. Nagawang lokohin ni Jaxx. Paano kung kahibangan nga lang ito? Paano kung naghahanap lang siya ng past time dahil alam niyang sure win na siya kay Leanne? Paano kung sa larong ito, na ang alam ko na si Leanne ang taya, e ako pala? Paano kung ako ang taya sa larong ito? Edi ako ang talo? Ako ang patay sa huli? No! That's one selfish thought, Shanelle! Damn! These what ifs are killing me!

"Tara, picture tayo!" Napatalon ako sa kalabit ni Kianna sa akin.

Ngumiti agad ako nang umilaw ng kulay pula ang gilid ng dslr na dala ni Ria para sa timer. Tinawag pa nila ang mga lalaki para sa picture naming lahat. Aba, balak pa ata sumunod ng mga babae nila?

"Akin na po, kuhanan ko kayo." Sabi ng lalaki na kasama namin sa bangka. Sia iyong guide namin.

Napairap ako.

"Tayong magpipinsan lang!" Nag iinarte kong sigaw. Ngunit mukhang na offend ata sina Kianna at Alexis. "Oh, I mean... magkakaibigan at magpinsan lang." Ngumisi ako.

Hindi dapat ako nag seselos. Mali ito.

Pagkatapos ng picture ay hindi na rin muling bumalik ang mga babae nila.

"Ang epal mo, Russel!" Sabi ko at hinampas ang braso ni Russel nang makita ko ang picture. Mukha akong batang kontrolado ng tatay niya. Nakapatong ang siko niya sa balikat ko at ang kamay niya sa noo ko. The freak!

Pagkatapos ng bakasyong iyon ay sa mga pinsan at kaibigan ko na lang ako dumikit. Walang iba. Wala.

Kung gusto kong matuto, kailangan gumawa ako ng sarili kong lesson plan. Hindi dapat laging nakadepende sa tadhana. Ang gulo nga ng desisyon ko. Maski puso't isipan ko ay naguguluhan na rin. Basta. Ang alam ko na rason ng pag iiwas ko ay ayaw ko sa gulo. Ayaw ko na malaman ng mga pinsan ko na may girlfriend si Jaxx at singit lang ako sa relasyon nila. Hindi pwedeng kaming dalawa lagi ang gagawa ng daan. Gagawa ako ng sarili ko. Para sa amin din naman ito.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon