Chapter 39

28 0 0
                                    

Chapter 39

Natulala ako sa sinabi ng matanda. Well fine, then.

I gave her a weak smile and nodded slowly. Nanatili siyang tahimik, hiniintay siguro ang magigin sagot ko. Wala naman akong maisagot.

"We're sorry, hija. Nasanay kami kay Leanne." Sabi ng lolo ni Jaxx na nakatayo sa gilid lang ng lola niya.

Fuck. I don't know why it hurts so bad.

"It's okay, Sir. I'm just his friend, anyway." Sabi ko na mukhang ikinagalit ni Jaxx.

Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag lingon sa akin ni Jaxx kaya nilingon ko rin siya. Matalim ang mga titig niya ngayon sa akin. I can't handle the intensity of his eyes kaya bumitiw ako sa titigan namin.

"But if my grandson loves you so much, how can we say no, diba? Buhay niya iyan. Kahit ayaw pa kita para sa kanya ay wala akong magagawa." Dugtong ng lolo niya.

Nilingon naman ng lola ni Jaxx ang lolo niya. Gosh. I don't even know their names.

"Sa tingin mo ay magiging mabuting asawa iyan? Her outfit defines who she really is! She's showing off too much skin!" Masungit na sabi ng lola niya.

Napalunok ako. Maling mali itong damit ko. Wala sa brand. Wala sa sentimental value. Basta maling mali ito sa mga mata nila.

Don't worry, next time I'll wear a hoodie and a track pants.

At magiging mabuting asawa? Hell! Hindi ko pa mga sinasagot si Jaxx ay asawa na agad? Ang advance naman nila masyado!

"Lola, she has the right to wear anything that boosts her confidence. At sa pagiging asawa, mind you la, she's living in Los Angeles all by herself. She's not like Jade na hindi kayang mabuhay nang walang katulong." Sabi ni Jaxx.

Natuwa ako sa sinabi ni Jaxx. He sounds so mature. Pinagmasdan ko siya habang sinasabi niya iyon.

Sinulyapan niya ako.

"Who is your father, Shanelle?" Matigas na sabi ng lola niya kaya nawala ang titigan namin ni Jaxx. Nilingon ko ang lola niya.

"Lawrence Zamora, po."

"Pamilyar ang apilyedo niyo. Did you come from a famous family?" Tanong ng lola niya.

"La, that doesn't matter." Sabi ni Jaxx na binalewala lang ng lola niya.

Kilala ang magulang ko sa negosyo namin. At marami na rin silang mga successful na business. Malalaking kompanya ang mga client nila so I must say that they really are famous when it comes to business stuff?

"Parang ganoon na nga po." Sabi ko.

"Apo, kilalanin mo muna ang babaeng ito. Kasi ako? I would definitely choose Leanne for you." Pagpupumilit ng lola niya.

I almost rolled my eyes. We're not marrying each other yet! Masyado silang advance mag isip, e!

"We'll go ahead. May gagawin pa kami." Tumayo si Jaxx, mukhang nairita.

Sa biyahe, tahimik lang na nagdidrive si Jaxx. Hindi ko alam kung may mali ba akong nasabi o nagawa. Ayaw ko rin namang magtanong.

Sinulyapan niya ako.

"My grandma is overreacting. You're way more better than any other girls I dated before." Sabi niya at umiling iling pa.

Tumawa lang ako.

"Hey..." Tawag niya kaya nilingon ko siya. "I'm sorry for what they've said."

"Ano ka ba! Ayos lang iyon. Wala akong magagawa kung si Leanne talaga ako gusto nila." Tumawa pa ako.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon