Chapter 33

28 0 0
                                    

Chapter 33

Pagkatapos ko kumain ng tanghalian ay naligo na ako dahil kukuha pa ako ng card. Sa school na ang kita kita naming magkakaibigan.

Tumunog ang ipad ko para sa isang chat galing sa messenger.

Yanna:

Nandito ako sa school, still haven't made up your mind yet? Intayin kita, ah!

Napakunot ang noo ko. Ang pangit lang tignan na siya 'tong nagpupumilit. As much as possible, ayaw ko nang saktan ang ibang tao. Pinapakita ko na nga kay Yanna na ayaw ko, pero nagpupumilit pa rin.

Ralph:

Bagal niyo, mag-isa ako rito. Iniwan ako ni Kiel, nahanap na si Xive.

Ivan:

E 'di hanapin mo si Alexis. Traffic traffic, e!

Natawa ako sa sinabi ni Ivan. Wala na si Alexis at Ralph. Kaya back to basic si Ralph. Balik sa pambababae.

Ralph:

Bilisan niyo, pinapapak na ako ng lamok dito.

Bumaba na ako para pumunta sa school. Dinala ko ang kotse ko dahil baka may biglaang lakad na naman.

Pagkarating sa school ay natanaw ko agad si Yanna sa may gate. Binilisan ko ang pag drive kahit parking lang naman ang punta ko. Alam niya ang kotse ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman.

Pagkalabas ng kotse ay mabilis akong naglakad patungo sa meeting place naming magkakaibigan.

Nandoon na si Ralph. May mga babaeng naghahagikhikan malapit sa kinatatayuan ko ngayon. At may mga babae rin na lumapit kay Ralph. Tumawa ako.

"Akala ko lamok lang pumapapak sa'yo, pati pala babae!" Tumawa ako at napatingin naman sa akin ang mga babae.

"Sira ulo, ikaw nga hinahanap, e." Bulong sa akin ni Ralph. Natawa ako.

"Hi Jaxx! Kamusta bakasyon?" Tanong ng isang babae. Tatlo silang babae, magkakaibigan siguro.

"Ayos lang." Ngumisi ako.

"Single ka na ba?" Ngumisi ang isang babae na morena. Ngumuso ako at umiling.

"Nah." I smirked.

Ngumuso ang babaeng morena at dahan dahang tumango. "Uh, okay..."

Isa isa na ring dumating ang mga kaibigan namin kaya nagpaalam na ang mga babae.

"Bye, boys!" Naghagikhikan ang mga babae habang palayo.

"Ang tagal niyo!" Sabi ni Ralph at nagsimula na kaming maglakad patungo sa office kung saan naroon ang card namin.

Sa office ay nakita ko agad si Yanna. Ngumiti siya at kumaway sa akin kaya napatingin ang mga kaibigan ko sa'kin.

"Ikaw kinawayan?" Tanong ni Russel.

Nagkibit balikat ako. Pero nang makalapit na kami sa office ay nilapitan na nga ako ni Yanna.

"Hi!" Masaya niyang bati.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon