Chapter 35

27 0 0
                                    

Chapter 35

"Aren't you gonna sleep, Miss? You're drunk..." Sabi ko at lumayo ng bahagya. Maybe we can talk tomorrow.

"Hindi ka ba magpapakilala?" Sabi ni Shanelle at kinusot ang mga mata niya. Lumayo rin siya.

"You know me already-" Shit! Hindi dapat ako sumagot dahil tagalog ang tanong niya!

"I knew it!" Dumilat siya at lumayo na talaga.

Wrong move, Jaxx. Wrong move.

"Why are you here?!" She almost shouted while opening the door. "Break na tayo, diba!"

Natawa ako doon. Damn.

"Let me explain first, Shanelle..."

Sinundan ko siya sa loob ngunit hinarap niya ako kaya natigil kami sa sala.

"Did I ask you to come in? Sa labas ka lang." Tinulak niya ako palabas kaya mas lalo akong natawa.

"Mag uusap pa tayo..."

"Can't you see I'm drunk? Baka mamaya ay hindi pa maganda ang mga magiging desisyon ko!" Nang makalabas na ako ay sinara niya ang pinto, leaving a small opening for us to see each other.

"Tomorrow, then?" Tanong ko at hinawakan ang door knob.

She rolled her eyes. "Bahala ka."

Kinaumagahan, I ordered breakfast while I'm on my way to her condo. Dalawang meal ang binili ko para kay Shanelle. I know she won't be able to cook breakfast because she's drunk last night, may hangover pa 'yon. At alam kong hindi siya marunong magluto.

Nagdoorbell ako. Natagalan pa siya bago buksan ang pintuan. I think I woke her up.

"Oh my God-" Iyon ang naging reaksyon niya nang buksan niya ang pintuan. I was about to greet her when she closed the door again. She's drunk last night, malamang ay nakalimutan niya ang nangyari kagabi.

Sampung minuto ulit akong naghintay bago niya buksang muli ang pintuan. Bagong ligo na siya't nakabihis na rin. As if we're going on a date or something. Sana pala ay sa labas na lang kami nag breakfast.

"W-what are you doing here, Jaxx?" She stuttered.

"Breakfast?" Ipinakita ko sa kanya ang tinake out ko na pagkain.

"I-I mean... Nasa Pilipinas ka dapat. Don't act as if we're okay. Alam mong may problema tayo. You shouldn't have visited me..." She looked away.

"I know. That's why I'm here, to apologize. I don't wanna talk about this over the phone. Gusto ko personal."

She rolled her eyes. I'm not playin' games, babe. Seryoso ako dito.

Tinanggap niya ang bigay ko at pumasok sa loob without closing the door. Kaya sumunod ako. She didn't close the door so maybe... She wants me to eat breakfast with her? Napailing ako.

Tumigil siya sa paglalakad nang nasa sala na kami. I am two meters away from her. Nilingon niya ako at nagtaas ng isang kilay.

"You're not allowed to enter my room, Jaxx." Masungit niyang sinabi.

Napangisi ako. Itinaas ko ang dalawang kamay ko. I surrender, miss.

"Okay, okay. I'll leave. Akin na 'yong pagkain-"

"You already gave this to me! Wala nang bawian!" Inirapan niya ako.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon