Chapter 13

62 2 0
                                    

Chapter 13

Inayos ko ang damit ko at tumayo. Kanina ko pa inalis ang sandals ko dahil gusto kong maramdaman ang pagkapino noong buhangin.

"Why? I love it." Ngumisi ako.

Wearing shorts is normal. Iyon ang nakasanayan ko noong nasa states pa ako. Ngunit ngayong pinagbabawalan niya ako, sa tingin ko ay magugustuhan ko rin ang pag suot ng pants. Nagkasalubong ang mga kilay niya at umiwas siya ng tingin. Sungit!

"Tara, let's check our room!" Excited na sabi ni Kyla at hinila ako. Nakita ko si Jaxx na ginulo lang ang buhok niya at tinawag na rin siya nina Kian.

Maganda ang nakuhang room ni Vera. Isang king size bed at isa namang queen. I love this place. Ramdam na ramdam mo ang beach vibes dahil sa kulay puti at kahoy na disenyo ng kwarto. Maging ang cr ay ganun din ang theme. I love it.

"Magsiswimming na kayo?" Tanong ni Kianna habang chinecheck ang loob ng cr.

Inintay ko silang sumagot. If not, then I guess hindi na rin ako. "Of course!" Ani Vera.

Ngumiti ako nang lahat sila ay magsiswimming. Kahit halos palubog na ang araw ay sa tingin ko maeenjoy ko naman dahil malinaw ang tubig.

Nagpahinga muna kami ng saglit bago nagkayayaang lumangoy na.

Nag bihis na kaming lahat. Papunta sa beach ay nag lagay ako ng puting lace na cover up. Kita ko ang isang bangka na may mga scuba divers na nakasakay. Pumunta kami sa isang cottage kung nasaan nandoon ang mga pinsan namin. Halos lahat sila ay nakasando maliban kay Russel at Jaxx na parehong wala nang suot pang taas.

Damn, Jaxx Emmanuel...

"Magsiswimming kayo?" Nawala ang atensyon ko kay Jaxx nang magtanong si Ezekiel. Napaismid ako sa tanong niya. Isn't it obvious, Ezekiel Zamora?

"I want to go diving, kuya!" Sabi ni Ria. Lahat kami ay iyon ang pinagplanuhan kanina. Binigyan lang ni Ezekiel si Ria nang natatawang mukha.

"Tara na kasi!" Si Kyla. Nagkayayaan kami na mag swimming na.

Sina Ralph at ang mga kaibigan nila ay nasa kabilang dulo ng isla. Nag hire sila ng jetski. Natawa ako nang halos mahulog si Russel nang iniliko ni Jaxx ang jetski. Nakaangkas lang kasi si Russel at nagmamayabang pa. Nakatayo pa.

"Go Russel!" Sigaw ko. Kita ko pa ang mukha niyang gulat na gulat. Humalakhak si Jaxx.

"Ayan, ang yabang kasi." Umirap si Kyla. Nagtawanan kami.

Si Alexis at Ralph ay nasa sun lounger at nag uusap. Inalis ko na ang cover up ko kaya naka-one piece na lang ako ngayon. Ganoon rin ang ginawa nila Ria, Kianna, Vera at Kyla. Kuminang pa ang maputing kutis ni Kyla. I have a tanned skin tone.

Nagtagal pa kami sa swimming. Ang mga lalaki ay tumigil na sa jetski. Tinawanan ko si Russel nang lumapit siya sa amin.

"Anong feeling?" Inirapan niya ako kaya natawa pa ako lalo.

"Try mo, sakay ka kay Jaxx." Natigil ako sa kakatawa sa sinabi niya. Kaya binasa ko na lang siya ng tubig galing sa dagat. Umilag naman siya kahit kanina pa siya basa.

Nang mapagod na kami sa kakalangoy ay nagkayayaan kaming magbonfire.

Si Vera ay nakahilig sa balikat ni Russel. At si Ria naman ay kaaway si Ezekiel. May mga inorder silang beer at mga barbeque. Suot ko na ulit ang cover up ko dahil lumalamig na. Gabi na rin kasi.

May tumabi sa akin bigla. Si Kianna.

Pinanood ko sila na gawin iyong bonfire habang papalubog na ang araw sa gilid namin. It's so damn relaxing.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon