Ice POV
"Ladies and Gentlemen, we are now at Dark Island. We hope you enjoy the flight."
Pagkatapos naming marinig yun, agad kaming bumaba sa eroplano na kami lang ang pasahero at eroplanong agad ding umalis.
Ayon sa aking guro, napakalaking isla raw ng Dark Island at masasabi kong totoo yun ngayong nakita ko na ito at ngayong nandirito na kami.
"Ang fresh ng hangin, parang ordinaryong isla lang kung titignan. Di mo aakalain na napakadelikadong isla nitong lugar na 'to sa ganda."- saad ko.
Nagulat naman kami ng biglang may nagsalita mula sa likuran namin.
"Yeah, napakaganda nga ng Dark Island pero wag kayong palilinlang, panlabas na anyo lamang ng isla ang nakikita niyo ngayon dahil oras na pumasok na kayo sa loob ng gubat at makapasok kayo sa pinto ng Academy ay kadiliman na ang makikita niyo. Mahirap nang matanaw ang liwanag ng buo at ang kagandahan ng mundo."- saad ng isang lalaki.
Agad naman kaming napatingin dito at isang hindi ko itatangging gwapong nilalang ang nakita namin. May hikaw itong bilog na kulay itim sa kanan nitong tainga at nakababa ang buhok nito, nakasuot ito ng puting damit na longsleeves at naka-reaped jeans at rubber shoes na itim. Kung titignan, mukha siyang bad boy.
Cool.
"10 years na simula ng maglaho ang mag-asawang Killiano at palitan ni Mr.Roque, simula ng mawala ang mag-asawa wala ng mga taong pumupunta rito dahil natatakot sila sapagkat maging ang mga dayuhan ay pinapatay na. What brings you all here? hindi ba kayo natatakot na mamatay? Hindi naman pwedeng ipinadala kayo rito ng gobyerno dahil hindi naman nagpasagawa ng draw lot si Mr.Roque ngayong taon. Anong ginagawa niyo rito?"- saad nito sabay pamulsa niya.
Nagkatinginan naman kami sandali ng mga kaibigan ko.
"We are not a tourist, we came here to enroll at the Academy."- saad ko.
Napatingin naman ito sakin at pagkatapos ay bigla siyang humagalpak ng malakas.
"E- enroll? Are you kidding me? Hahahahahahaha! Ang lalakas ng loob niyong mag-enroll! Hahaha! gusto niyo nabang mamatay? Pagbibigyan ko kayo!"- saad nito habang nakahawak siya sa tiyan niya at tumatawa.
Napakunot naman ako ng noo.
"I'm fucking serious."- seryoso kong saad na ikinatigil nito sa pagtawa.
Tumingin ito sa akin at umayos.
"So, gusto niyo ngang mamatay."- saad niya.
Napakunot naman ako ng noo. ULIT!
"N- no, we came here because of the thrill, sa tingin namin ay dito sa lugar na 'to namin makikita ang sobrang tinding thrill na hinahanap namin. K- kaya naman napagpasyahan naming pumunta rito at magpa-enroll ng kusang loob sa Academy, hindi namin gustong magpakamatay. We are confident, makakagraduate kami at mabubuhay."- palusot ko.
Di ko pwedeng sabihin ang totoo, mukhang alam ko kung ano itong taong ito rito.
Ngumisi naman ito.
"Brave."- saad nito sabay lakad palapit samin.
Hinawakan naman ako ni Grey sa braso at Ako? Di ako nagpatinag. Seryoso lang akong nakatingin sa lalaking papalapit samin.
"If that is the case then come with me, dadalhin ko kayo sa Academy."- nakangisi nitong sabi sabay lagpas niya samin.
Tinignan ko naman sila Grey.
"Sundan natin siya."- saad ko kila Grey.
"But we didn't know him, bigla na lang siyang sumulpot from somewhere."- bulong sakin ni Ylana.
"Tss.. sa tingin ko isa siya sa mga estudyante rito na may mataas na katungkulan, nakalimutan niyo na ba yung sinabi satin ni Prof.China?"- bulong ko rin.
Natahimik naman sila.
"Hindi nakalalabas ang mga tao sa loob ng academy kaya naman kapag may tao kang nakita sa isla ng wala kapa sa loob ng academy ay matakot ka na! Dahil ang mga taong nakalalabas lamang daw sa academy ay yung mga taong may mataas na katungkulan dahil sa dami na nilang napatay, professional na ang mga ito kumbaga. Maski ang mga teachers hindi rin nakalalabas doon, nasa labas siya ng academy so malamang isa siya sa mga may mataas na katungkulan. Sa kaso natin ngayon, di natin kailangang matakot sa kanya, siya ang magdadala satin ng mabilisan sa Academy kaya sundan na natin siya. Maging alerto na lamang tayo para sigurado parin."- saad ko.
Bumuntonghininga naman sila at tumango.
"Okay."- sagot nilang lahat.
Sumigaw naman yung lalaking di namin kilala.
"What?! Susundan niyo ba ko o hindi? akala ko ba mag-eenroll kayo sa Academy?!"- sigaw nito.
Bumuntonghininga naman ako.
"Susunod na."- saad ko sabay tingin ko sa mga kaibigan ko.
"Then lets go."- saad nung lalaki sabay lakad.
Agad naman namin siyang sinundan.
xxxxx
"Welcome to Dark Island Academy."- nakangising saad nitong lalaki.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
Napakalaki at napakalawak na paaralan..
Paaralan na nakakulong sa napakataas at napakalaking pader na may glass roof na may disenyong krus.
Napatingin naman ako sa pinasukan naming gate ng bigla kong marinig ang pagsara nito, halos di ako makapaniwala ng maglock ang napakarami at iba't-ibang klase ng kandado nito ng kusa.
"That's the reason kung bakit walang nakalalabas o nakakatakas dito, bukod sa napakaraming kandado ng nag-iisang labasan ay nakakulong din ang academy na ito sa napakataas at napakalaking pader na may bubong so sinong makakatakas? Wala."- saad nitong lalaki.
"Dadalhin ko kayo sa Headmaster, siya nang bahala sa inyo. Again, follow me."- saad nitong lalaki sabay lakad ulit.
Agad naman namin ulit siyang sinundan.
Sa tapat pa lamang ng building ng napakalaking academy ay maraming estudyante na kaming nakita. Mayroong nakaupo sa bench, mayroong nakaupo sa halatang lumang-luma ng fountain at mayroong nakatayo habang nag-uusap. Nakatingin samin ang mga ito at umiiling.
"They look nice aren't they? May pailing-iling pa silang nalalaman na animo'y naaawa sila sa inyo dahil napasok kayo rito. Wag kayong palilinlang dahil yang mga yan, oras na magpalaro na ang Headmaster o ang Hari ay magiging demonyo na sila."- saad nitong lalaki habang naglalakad kami sa hallway.
Marami rin ditong mga estudyante, nakatingin din samin ang mga ito at umiiling.
"May payo ako sa inyo, magparehistro kayo rito as a group nang sa ganun ay hindi kayo magpatayan oras na dumating na ang 7 days of darkness o mas kilala bilang darkness week na kung saan.. magbibigay sa inyo ang Headmaster ng mga pangalan ng taong papatayin niyo. Kung magpaparehistro kayo as a group, hindi kayo pwedeng magpatayan dahil grupo kayo. Yun nga lang, dadami ang magiging target niyo dahil di lamang pangalan ng indibidwal na tao ang ibibigay sa inyo kundi pangalan ng Grupo."- saad nitong lalaki.
"Okay, ayos lang."- sagot ko agad.
Hindi naman siguro masamang gawin ang sinabi niya, kaya naman namin ng mga kaibigan kong lumaban.
"Why are you telling that to us?"- saad ni Ashlie rito sa lalaki.
Narinig ko naman ang bahagya nitong pagtawa.
"Because that friend of yours that looks like a doll amaze me. Hindi lang siya, kayong lahat pinahanga niyo ko. Sa pagpunta niyo pa lamang dito at sa kaisipan na pumunta kayo rito para magpa-enroll ng kusa ay kahangahanga na, gusto ko kayong magtagal."- sagot nitong lalaki sabay hinto.
"Nandito na tayo."- saad niya.
Pagtingin ko, isang malaking pinto ang nasa tapat namin.
"Nasa loob niyan ang Headmaster. Halikayo, pumasok tayo sa loob."- saad niya.
"Yung sinabi ko, gawin niyo."- saad niya bago pumasok sa loob ng silid.
Di naman na kami nagsalita at sumunod na lamang sa kanya sa loob.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano. An adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves, the biological child of Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks that...