Chapter 19: Library

12.1K 380 27
                                    

Brent P.O.V

It's already 6:00pm, 30 minutes na lang magsisimula na ang pageant dito sa DIA. Nandito kami ngayon ng mga kasamahan ko sa opisina namin at naghahanda para mamaya.

"Brent."- tawag sakin ng Hari.

"Bakit po King?"- sagot ko.

Bigla naman siyang ngumiwi.

"Wag na lang."- saad ng Hari.

Di naman ako nagsalita, ilang sandali lang...

"Brent."- tawag ulit ng Hari.

"Bakit po King?"- saad ko ulit.

Ngumiwi naman siyang muli.

"Nevermind."- saad ng Hari sabay sandal niya sa upuan niya dito sa opisina namin at isip.

Anong problema ng Hari?

"Tsk. Bwiset! Ako na nga! Bahala na!"- sigaw ng Hari sabay padabog na umalis.

"Whoa! Anyare?"- saad ng kakambal ko.

Nagkibitbalikat naman ako.

"Ewan ko, nababaliw na yata yung Hari."- saad ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Bryan.

"Hindi kaya... nakita ng Hari yung kanina? Alam mo bang nagpakasal kanina sina Reigen at Luis dun sa marriage booth? Tapos pumunta rin sila sa kissing booth tapos nagkiss sila. Well, obviously yun naman talaga yung ginagawa sa kissing booth, kaya nga kissing booth eh! Hindi kaya nakita ng Hari yun kaya para na siyang nababaliw sa kaiisip?"- saad ni Bryan.

Napapoker face naman ako.

"Kung nakita ng Hari yun hindi dapat ganyan ang reaksyon niya, hindi siya mag-iisip kung nakita niya yun."- saad ko.

"Hmm.. sa bagay, kung nakita niya yun malamang wala tayo rito ngayon. Malamang nasa laban tayo ngayon laban sa Red Skull."- saad ni Bryan.

Bigla namang may dumighay, pagtingin namin.

"S- sorry."- saad ni Alex sabay takip niya sa bibig niya.

Natawa naman kami ni Bryan.

"Busog ah! anong kinain mo?"- saad ni Bryan kay Alex.

"Tsk. Pake mo! Wag ka ng magtanong."- pagsusungit ni Alex.

"Sabi ko nga, eh teka nga.. sa mga panahong nagkakaganyan ang Hari ikaw ang numero uno na grabe makareact, anong nangyari ngayon?"- saad ni Bryan kay Alex.

Sandali namang natahimik si Alex.

"A- ano, h- halata namang iritang-irita ang Hari. Kung papakealaman ko siya malamang magagalit lang siya sakin, at ayokong mangyari yun."- saad ni Alex sabay iwas niya ng tingin.

"Hmm? Okay, sabi mo eh."- saad ni Bryan.

May bigla naman akong naalala.

"Kailangan ko pa lang pumunta sa library, may isasauli pala akong libro."- saad ko sabay tayo.

"Wait."- saad ni Alex sabay bukas niya sa bag niya at kuha sa mga librong nandoon.

"Isabay mo na 'to."- saad niya.

Kinuha ko naman yung mga libro.

"Sige, alis na ko."- saad ko sabay labas ko sa opisina namin.

Habang naglalakad ako sa hallway, rinig na rinig ko ang mga usapan ng mga estudyanteng nadaraanan ko.

"Hanggang 9pm ang pageant diba? ibig sabihin hanggang 9pm lang tayo pwedeng magsaya."

"Tama ka, malamang bukas ay balik na naman tayo sa normal."

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon