Reigen Pov~
"Oh? Bakit nakabusangot ka dyan? Any problem??"- tanong ko kay Vince sabay upo ko sa sofa.
Nandito kami ngayon sa Dorm naming Red Skull. Sinabi sakin ni Xandro na nandito daw si Vince at gusto akong makausap kaya naman nagmadali akong pumunta dito.
"Bati na sila."- saad nya.
Napatingin naman ako sa kanya at napataas ng kilay.
"Bati sila? Sino? Si Ice at si Devin?"- tanong ko.
Tumango naman si Vince.
"Halos tatlong linggo na. Di ko lang agad sinabi kasi nagpalamig muna ako ng ulo kasi naiinis ako!"- sagot nya.
Di naman ako makapaniwala.
"Paanong? Ibig sabihin hindi umubra yung plano ko at yung plano mo!?"- pagtataas ko ng boses.
Nakita ko naman syang nagkuyom ng kamao.
"Parang ganun na nga, Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Ice. Mukhang kahit anong gawin natin hindi na sila maghihiwalay!"- saad ni Vince.
Napaisip naman ako.
"Nagkakamali ka."- saad ko sabay ayos ko ng upo ko.
Tumingin naman sakin si Vince at nagkunot ng noo.
"Anong ibig mong sabihin?"- kunot noo nyang sabi.
"May isa pang paraan para tuluyan ng layuan ni Ice si Devin. At sinisiguro ko oras na mangyari yun lalayuan na ng tuluyan ni Ice si Devin."- saad ko.
Umayos naman ng upo si Vince.
"Anong paraan yan?"- tanong ni Vince.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystère / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
