Chapter 34: Meeting

12.6K 358 29
                                        

Ice P.O.V

"What? Ang Dark Cards ang kasama niyo?"- sigaw ni Ate Reigen.

Napatingin naman sakanya ang lahat ng estudyante dito sa garden dahil sa sigaw niya.

"Ate! Wag ka ngang sumigaw."- saad ko sabay ngiwi.

Kumalma naman siya at umayos.

"Bakit ang Dark Cards pa! Ipinapahiwalay ko kayo dun tapos.. tapos mangyayari 'to? Hindi pwede yan! kakausapin ko ang Headmaster, papapalitan ko yung grupong makakasama niyo!"- saad ni Ate Reigen sabay tayo sana ng pigilan ko siya.

"Ate, hayaan mo na. Ayos lang yan."- saad ko sabay sandal ko sa upuan at crossarms.

Nag-lean naman sakin si Ate.

"Pero Ice, masasama sila! Nasabi ko na sainyo yun dati diba?"- saad ni Ate Reigen.

Bumuntonghininga naman ako.

"Ate, wala akong nakikitang masama sa kanila."- saad ko sabay tingin ko ng diretso sa mga mata ni Ate.

"Pabor samin ng mga kaibigan ko itong pagsasanib ng Reapers at Dark Cards para sa laro dahil mas magagawa namin ang pakay namin sa kanila kaya naman Ate, hayaan mo na kami."- saad ko.

"Pero Ice!"- kunot noong tutol ni Ate.

Napapikit naman ako.

Shit! naiinis ako!

"Ate please! pabayaan mo na kami."- saad ko habang pinapakalma ko ang sarili ko.

Nahalata naman ni Ate na nagpipigil ako ng inis kaya't sumuko na siya.

"Sige, bahala kayo. Pero kapag kayo nasaktan lalo na ikaw! Wag mo akong sisisihin."- saad ni Ate Rei sabay tayo niya at alis.

Napahilamos naman ako sa mukha ko.

"Argh! Bakit ba kasi ang OA ni Ate pagdating sa Dark Cards? Inaano ba siya ng Dark Cards? Dahil sa love ba yan? Haay!"- banas kong saad sabay ub-ob ko ng mukha ko sa lamesa.

Ayoko na! Nakakabaliw!

"Hindi ba siya sang-ayon sa pagsasama ng grupo natin?"- rinig kong saad ni Devin.

Agad naman akong napaangat ng ulo at tinignan siya.

"Malaki talaga ang galit niya sakin."- saad ni Devin sabay upo niya sa inuupuan kanina ni Ate.

Umayos naman ako ng upo.

"Hayaan mo na si Ate, wag mo na siyang isipin kasi maging ako hindi ko narin siya iisipin. Lalo lang akong nababaliw."- saad ko sabay buntonghininga at tingin sakanya.

"Bakit ka nga pala nandito? kailangan mo?"- walang emosyon kong tanong.

"Papunta na ko sa office namin nang makita ko kayo ng Ate mo, may meeting tayo diba nakalimutan mo?"- saad niya.

Napapikit naman ako.

"Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan."- saad ko sabay dilat at tayo.

"Tara na, sabay na tayong pumunta sa opisina niyo King."- saad ko sabay alis ko ng tingin ko sakanya.

Di ko man kita, ramdam kong nakatingin siya sakin.

"Sige."- saad niya at pagkatapos ay naramdaman ko siyang tumayo.

Di naman na ko nagsalita at sumabay na lamang sakanya sa paglalakad.

Habang nasa hallway kami patungo sa opisina nilang Dark Cards.. nakasalubong namin si Vince. Huminto ito sa paglalakad at tumingin saming dalawa ni Devin kaya naman huminto rin kami ng Hari sa paglalakad at tinignan siya.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon