Chapter 9: Alex Vs. Ice

14.3K 476 7
                                    

Ice P.O.V

"I- ice? Gusto mong mag-earphone?"- tanong sakin ni Ashlie.

Hindi ko naman siya pinansin.

"Akala ko kahapon patay na."

"Ako nga rin eh, akala ko patay na."

"Dapat namatay na lang, wala namang kwenta eh."

"Buti nga pinarusahan siya ng Hari, bawal ang duwag dito sa DIA."

"Poor thing, tagtago lang sa likod ng mga kasamahan niya."

Tss.. stupid people! Nauubos na yung pasensya ko. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng dorm namin ng mga kaibigan ko narinig ko agad na pinagbubulungan ako ng mga tao dito. Fuck them!

Umagang-umaga magiging demonyo ako.

"Ice Rogiano."- rinig kong tawag sakin ng isang boses babae.

Agad ko naman itong nilingon at napakunot ang noo ko ng makita ko kung sino ito.

"Can i talk to you?"- saad ni Alex, ang Diamond ng Dark Cards.

Nakangisi ito.

May isa pang bwiset na dumating, kung maaari ayokong makakita ng kahit isa sa mga Dark Cards dahil naaalala ko lang yung bwiset nilang Hari pero heto! Kaharap ko na ang isa sa kanila na may kailangan pa sakin. Ano naman kayang gustong pag-usapan ng babaeng ito?

"About what?"- madilim ang aura kong sabi.

Mas lalo naman itong ngumisi sabay pumalakpak ng dahan-dahan.

"What's with that aura? Matapang ka dahil nandyan ang mga kaibigan mo?"- sarkastikong saad ni Alex.

Nandilim naman ang paningin ko.

"What did you say?"- saad ko sabay lakad ko palapit sa kanya at hinto sa harapan niya.

"I'm not that kind of person that you and the others think of. Do you want me to prove it to you? I don't care if you're one of those fucking Dark Cards. I AM NOT afraid to all of you."- seryoso kong sabi habang nakatingin ng seryoso sa kanya.

Bigla namang nag-iba ang ekspresyon niya. Napalitan ng Inis.

"And you have the guts to say that."- saad sakin ni Alex.

Ngumisi naman ako.

"I'm just stating the truth."- saad ko kay Alex.

Bigla namang tumunog ang mga speakers.

"Goodmorning students, may nakikita akong magandang pangyayari. Sasamantalahin ko na ang pangyayaring ito."- saad ng Headmaster mula sa speakers.

"Alex Jean Rioza of Dark Cards and Ice Rogiano of Reapers. Binibigyan ko kayo ng pagkakataon na maglaban, pinapayagan ko kayong maglaban ngayon. Tapusin niyo ang laban niyo sa loob lamang ng kalahating minuto at sinisimulan ko na yun ngayon, bahala kayo kung gusto niyong magpatayan, nasa sainyo ang desisyon. Ngayon, simulan niyo na."- saad ng Headmaster.

Narinig ko namang sumigaw sila Grey at Ashlie.

"Ice no!"- rinig kong sigaw nila Grey at Ashlie.

Ngunit hindi ko sila pinansin.

Gagawin ko 'to para patunayan ang sarili ko. Wala akong planong patayin ang babaeng ito at wala rin akong planong magpapatay sa kanya.

"Sa totoo lang 'eto talaga ang gusto kong mangyari, ang maglaban tayo. Papatayin kita."- saad ni Alex sabay patunog niya sa mga daliri niya.

Ngumisi naman akong muli.

"Kung kaya mo, idiot."- saad ko.

Nagbanggaan naman ang mga ngipin niya sa inis.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon