Devin P.O.V
"Anong nangyayari?"- taka kong sabi.
Nagkakagulo ang mga estudyante.
Tumingin-tingin naman ako sa paligid sa pagbabakasakaling may makita akong isa sa mga kasamahan ko ang kaso, wala.
Saan kaya pumunta yung mga yun pagkatapos nila kong hindi hintayin tapos iwanan na lang basta!
"King Devin, ipinapatawag po kayo ni Headmaster sa opisina niya."- saad ng isang babae mula sa likuran ko.
Nilingon ko naman ito.
"I- importante daw po.."- saad nito sabay yuko.
Hindi naman ako nagsalita at umalis na lang upang magtungo sa opisina ng Headmaster.
Pagdating dun...
"Devin! Imbistigahan mo yung sulat sa pader ng lobby! Alamin mo kung SINONG MAY GAWA NUN!"- sigaw ng Headmaster.
Galit na galit ito. Pero....
Anong sulat sa dingding ng lobby?
"Masusunod po."- saad ko sa Headmaster sabay bigay galang ko at alis.
Paglabas ko ng opisina ng Headmaster, nagmadali akong pumunta sa Lobby. Pagdating dun, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
May sulat ang dingding ng lobby, at ang sulat.. Isinulat doon gamit ang dugo.
"Welcome dark, welcome end."- basa ko sa nakasulat.
Nilapitan ko naman ang dingding at pinagmasdang mabuti ang sulat.
Sariwa pa, tumutulo pa ang dugo sa bawat letra. Sa tingin ko isinulat ito bago ang oras nang labasan ng mga estudyante para pumasok.
"Hmm.. welcome dark, welcome end. Anong ibig-sabihin nun?"- bulong ko habang nakahawak ako sa baba ko at nag-iisip.
Tsk! Ayokong nag-iisip lalo na kung ganitong klase ang pinag-iisipan ko!
Aalis na sana ako para mag-ikot at mag-imbistiga sa paligid nang may napansin ako sa sahig. Kinuha ko naman ang salamin ko sa bulsa ko at isinuot. Pagkatapos, umupo ako at pinagmasdan ang patak ng dugo sa sahig na nakita ko.
Hindi ito galing sa dingding dahil una, may tatlong dangkal na layo ito sa dingding. Pangalawa, kung galing ito sa dingding hindi sana ganito ang itsura nito. Sa tingin ko, ang patak ng dugo na ito ay likha nung taong nagsulat nito gamit ang dugo sa dingding.
Napakunot naman ako ng noo nang makita kong may kasunod ang patak ng dugo na iyon.
"Hindi kaya..."- bulong ko sabay tayo ko at sunod ko sa mga patak ng dugo.
Pagdating sa corridor, nawala ang mga patak ng dugo kaya naman napahinto ako.
"Nawala.."- saad ko sabay tingin ko sa magkabilang gilid ng corridor ng may nakita ulit ako. Agad ko naman yung nilapitan.
"Walang kasunod.."- saad ko ngunit pagtingin ko sa kabila...
may nakita ulit ako.
Palipat-lipat ang patak ng mga dugo.. hindi kaya...
Napatingin naman ako sa mga CCTV at pagkatapos tinignan ko yung mga patak ng dugo na nalagpasan ko na.
"Alam ko na, iniiwasan nung salarin na mahagip ng CCTV ng school kaya naman palipat-lipat ang mga patak ng dugo."- bulong ko.
Pero ang tanong, sino ang salarin? Bakit siya nagsulat sa pader ng lobby? Bakit dugo ang ginamit niya? At anong ibig-sabihin nang isinulat niya?
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
