Chapter 16: Bryan and Ashlie

13K 424 29
                                    

(A/N: Dahil may nagmessage sakin na gustong-gusto niya sina Bryan at Ashlie, 'eto ang chapter para sayo. Enjoy.)

Ashlie P.O.V

"Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging iyong kabiyak na makakasama sa hirap at ginhawa, lungkot at saya at nangangakong hindi maghihiwalay magpakailanman?"- saad nung Pari-parian dito sa marriage booth.

"OO NAMAN! YES FATHER!"- sigaw ni Bryan kaya't naghiyawan ang mga estudyanteng nandito.

"Peste."- bulong ko.

Tinignan naman ako nung umaarte na Pari.

"Ikaw babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito na maging iyong kabiyak na makakasama sa hirap at ginhawa, lungkot at saya at nangangakong pagsisilbihan mo ng buong puso at hindi hihiwalayan magpakailanman."- saad sakin nung umaarte na Pari.

"No Father, hindi ako nangangako sapagkat ang lalaking ito ay peste sa buhay ko at kailan man ay hindi ko tatanggapin na maging kabiyak ko na makakasama ko sa hirap man o sa ginhawa, lungkot at saya at hindi rin ako nangangakong pagsisilbihan ko siya ng buong puso sapagkat hindi naman niya ko yaya at wala akong planong mag-apply sa kanya. At hindi rin po ako nangangako na hindi ko siya hihiwalayan magpakailanman sapagkat ngayon pa lamang ay nais ko na siyang layasan."- nakangiti kong sabi.

Sabay-sabay namang nag-Aww ang mga nandito.

"H- hoy! Hindi ganyan ang sagot!"- saad sakin ni Bryan.

"Bakit ba? Yun ang gusto kong isagot eh! Kasi yun naman ang totoo."- saad ko sabay tanggal ko sa belo na isinuot sakin kanina.

"Gagayahin ko yung mga babaeng tumatakbo kapag araw na nang kasal nila kasi di nila gusto yung groom nila. Runaway Bride."- saad ko sabay lundag ko paalis sa marriage booth at takbo.

"H- hoy Ashlie! Bumalik ka dito!!"- sigaw ni Bryan sabay takbo at habol sakin.

"Heh!"- sigaw ko sabay bilis ko pa sa pagtakbo ko.

Saktong pagliko ko, nakita ko si Crush!

"Oh? Ashlie."- saad ni Kris pagkakita sakin.

Nagtago naman ako sa likod niya.

"May manyak na humahabol sakin."- saad ko sabay kapit ko sa likod niya.

Shet ang bangoooooo! Tiyansing aketcchhhhhhhhhh!

"Ashlie!"- rinig kong sigaw ni Bryan.

Pagtingin ko, nasa harap na siya ni Kris at ang sama sobra ng tingin niya rito.

"Ibigay mo sakin si Ashlie."- saad ni Bryan kay Kris.

Tinignan naman ako ni Kris.

"Ayoko sa kanya!"- saad ko.

Natawa naman si Kris.

"You heard her? Ayaw niya sayo."- saad ni Kris sabay hawak niya sa kamay ko.

"So arbor ko na siya."- saad ni Kris sabay hila sakin.

Dadalhin niya ba ko sa kissing booth? Sana ng---- ayyy peste!

This past few days i found Kris nice and cool kaya naman naging crush ko siya! di siya katulad ng pinsan niyang si Bryan. Kabaliktaran si Kris ng pinsan niyang si Bryan.

"Sandali."- harang ni Bryan.

"Tch! Nagpaalam ako kay Ice and she gave me Ashlie. Hindi mo siya pwedeng arborin sakin."- saad ni Bryan.

"Pero ayaw ni Ashlie sayo, alam mo pinsan wag mong pilitin ang taong may ayaw sayo. Masasaktan ka."- saad ni Kris.

"Oo nga! Tama!"- pagsang-ayon ko.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon