Grey Pov~
"Di ko maintindihan, Paanong wala? Paanong wala tayong nakuhanan na maskara sa lahat ng mga estudyante dito sa DIA? Nakakapagtaka."- saad ni Ashlie.
"Mautak sila, Hinala ko sa iba nila itinago ang mga maskara."- saad ni Ylana.
"Ilang araw na lang bago mag-prom."- tanong ng Hari.
"Lima, Limang araw na lang po."- sagot ni Brent.
Hinampas naman ng malakas ng Hari ang lamesa.
"Limang araw na lang pero wala parin tayong makuha na lead para mahuli ang mga kalaban! Ano nang gagawin natin!"- inis na saad ng Hari.
Hindi naman kami nagsalita at nanahimik na lamang. Hanggang sa bigla na lamang bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok si Ice.
"Sorry I'm Late."- saad ni Ice sabay hikab at punta sa upuan nya.
"Anong ganap? Sya nga pala, wala akong nakitang maskara sa Dorm ng Wolves at Red Skull. Wala rin ba kayong nakita? Ano nang plano?"- chill na saad ni Ice.
Wala namang nagsalita, lahat kami nakatingin lang sa kanya.
" What?"- takang saad ni Ice.
Bumuntong hininga naman ako.
"Sa tingin ko babalik na lang kami ni Alex sa naunang plano. Babalik na lamang kami sa pagmamasid sa buong DIA."- saad ko sabay tingin ko kay Alex.
"Tara na."- saad ko sabay tayo.
Tumayo narin naman si Alex at pagkatapos ay umalis na kami. Habang nasa Hallway, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Nakakainis!"- banas kong sabi.
Naramdaman ko namang tinignan ako ni Alex.
"Pumunta kami dito nang ang plano ay hanapin si Ate Rei, At oras na mahanap na namin sya... Tatakas na kami. Alam nyo na yun hindi ba? Pero dahil sa hindi pala madaling magawa yun. Iniba namin ang plano, lalaban na kami ng patas. Pero kung ganitong mahirap na wala tayong makuhang lead sa mga kalaban at parang malabong mapagtagumpayan natin 'to! Ano na.... Ano nang mangyayari! Mukhang makukulong na kami dito. Buti pa kayong Cards, Pwede kayong umali-alis dito sa DIA. Nakakainis! Gusto ko ng umuwi."- saad ko.
"Grey."- tawag sakin ni Alex.
Tinignan ko naman sya, pagtingin ko Huminto sya sa paglalakad kaya naman huminto rin ako.
"Natatakot rin ako na baka hindi tayo magtagumpay, hindi ako natatakot na baka hindi na ko makalabas dito. Ang ikinatatakot ko ay baka may mamatay sa mga taong mahalaga sakin oras na hindi nga tayo magtagumpay. Yun ang kinatatakot ko."- saad ni Alex sabay tingin sakin ng seryoso.
"Pero sabihin mo, Gusto mo naba talagang umuwi? Pwede kitang itakas dito. Sa sabado darating ang eroplanong nagdedeliver dito para ideliver ang mga susuotin ng mga estudyante sa Prom, Maaari kitang itakas. Ngunit ikaw lang, dahil kapag lahat kayo.. Malalagot ako ng todo."- saad ni Alex.
Hindi naman ako nakapagsalita.
"Kaya kitang itakas mag-isa, so ano... Gusto mo ba?"- tanong sakin ni Alex.
Napailing naman ako at pagkatapos ay natawa na lamang ako.
"Salamat na lang, pero ayokong umalis dito ng mag-isa. Hindi ko iiwan ang mga kaibigan ko."- saad ko.
Ngumiti naman si Alex.
"Inalok ko lang sayo, pero batid kong hindi ka papayag at yan ang sasabihin mo. Masyado kang mabuti."- saad ni Alex sabay tapik nya sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystère / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
