Ice P.O.V
"Musta?"- tanong ko kila Ashlie, Ylana at Grey.
Ngumiti naman sina Ylana at Grey habang si Ashlie, nakabusangot na tila pinagsakluban siya ng langit at lupa.
"Hmm, i guess tayong tatlo lang Ylana at Grey ang nakapasa. At yung isa, bagsak."- saad ko.
Nilukot naman ni Ashlie ang papel niya.
"1 lang score ko! At yung bonus pa yun! Pesteng math!"- sigaw ni Ashlie.
Nagtawanan naman yung mga kaklase namin, lalo na si Bryan.
"Wahahahaha! O- one ka lang? Tapos yung bonus pa? Wahahahahaha!"- tumatawang saad ni Bryan na hinahampas pa yung desk.
"Peste! Porket ikaw lang yung pinakamataas! Bwiset!"- banas na sigaw ni Ashlie kay Bryan.
Hindi naman siya pinansin ni Bryan at tumawa lang ito ng tumawa.
"Kung hindi ka sana umalis kahapon at nagreview ka edi sana hindi ka lugmok sa Quiz. 1-20 ang Quiz, 1 ka lang. Di ka man lang naging 5! Sana kaalaman ang lumapit sayo kahapon kung nagreview ka, hindi sana gulo. But well, hindi naman natuloy yung gulo eh, kaya lang di parin nun mababago ang katotohanan na 1 ka lang."- saad ni Ylana sabay ngiti ng pang-asar kay Ashlie.
"Gusto mong sayo ko ibuhos yung galit ko?"- saad ni Ashlie na tila umuusok sa galit.
Nagkibitbalikat naman si Ylana.
"No thanks."- saad ni Ylana sabay suot niya sa Headset niya.
Bigla namang dumating ang prof namin sa taekwando.
"Class, wala tayong klase ngayon. Magpapatawag ang Headmaster ng meeting ngayon para sa mga Group of Killers dito sa DIA, bukas na lang tayo magle-lesson."- saad ni Prof. Jojo.
Napakunot naman ako ng noo.
"Meeting? Bakit para saan?"- saad ni Bryan.
"H- hindi ko po alam Black Spade."- sagot ni Prof. Jojo kay Bryan.
Tsss.. guro siya dito, dapat siya ang ginagalang! pero baliktad, dahil ang Dark Cards ang may mas mataas na katungkulan dito, sila ang ginagalang maging ng mga guro.
Pagkasabi ni Prof. Jojo nun, biglang tumunog ang lahat ng speakers.
"All DIA Group of Killers, in gymnasium now!"- saad ni Headmaster mula sa speakers.
Agad namang tumayo si Bryan.
"Whoa, mukhang importante."- saad ni Bryan.
"All DIA Group of Killers daw."- saad nito sabay tingin sakin.
"Narinig namin."- saad ni Ashlie.
Tumayo naman na ako kaya nagsitayuan agad sila Ashlie, Grey at Ylana.
"Tch. Baka nakakalimutan niyong mas mataas ako sa inyo! Hindi porket hindi ko pinapansin yang hindi niyo paggalang sakin ipagpapatuloy niyo na, oras na mapuno ako sa inyo tutuluyan ko kayo."- saad ni Bryan habang nakatingin siya kay Ashlie sabay lakad niya paalis.
Nagreact naman si Ashlie.
"Aba! As if namang natatakot tayo sa kanya!"- saad ni Ashlie.
Bumuntonghininga naman ako.
"Tama siya, mas mataas siya satin. Dapat tayong gumalang."- saad ko.
"Tayo? Gagalangin sila? Hindi sila kagalang-galang kaya hindi dapat natin sila igalang!"- saad ni Ashlie.
Tinignan ko naman ng masama si Ashlie kaya natahimik ito.
"Tsk! tayo na."- saad ko sabay lakad ko paalis.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
