Grey P.O.V
"A- anong meron?"- mahina kong tanong kay Ylana.
Nandito kami ngayon sa isang bench sa garden, kasama namin dito ang Wolves at ang Red Skull pero ang ibang Red Skull nasa mga love booth na nandito. Halimbawa na lang kila Ate Rei at Luis na nasa marriage booth at nagpapakasal, simula ng magsama-sama kami dito hindi pa ngumingiti o nagsasalita man lang si Ice.
May problema kaya?
"Walang natanggap si Ice, walang ipinadala sa kanya sila Tita Rica."- bulong sakin ni Ylana.
Nagulat naman ako.
"What?"- saad ko.
Ngumiwi naman si Ylana.
"Chineck na ni Luis yung kahon, nagtanong din siya sa mga estudyante tapos hinanap rin mismo ng Red Skull maski ng Wolves ang ano man na may pangalan ni Ice pero wala talaga. Walang ipinadala sa kanya."- mahinang saad sakin ni Ylana.
Napatingin naman ulit ako kay Ice.
"Matampuhin pa man din yan."- mahina kong saad.
"Yeah, wag na muna nating kausapin. Kapag nagtatampo yan sobrang iksi ng pasensya niyan, baka masigawan lang tayo."- saad sakin ni Ylana.
"Sige."- saad ko.
Bigla namang tumayo si Ice at naglakad paalis.
"Saan pupunta yun?"- saad ko.
"Hayaan mo na, wag na nating sundan."- saad ni Ylana.
Hindi naman ako nagsalita, hanggang sa biglang sumigaw si Ashlie na kasama si Kris.
"Woooo Yes! Walang Forever!"- sigaw ni Ashlie habang nakatingin sa dalawang mag-couple na nag-aaway sa tapat ng kissing booth.
Natawa naman si Kris sa kanya.
"Kahit kailan talaga itong si Ashlie, tsk!"- natatawa kong sabi.
Nagsalita naman si Ylana.
"Grey, pasuyo. Bilhan mo nga ko ng choco nut donut dun sa booth ng section natin, samahan mo na ng softdrinks."- saad ni Ylana.
"Sige."- saad ko sabay tayo.
Hindi ako pwedeng umangal dito, kung inaakala niyong tahimik na tao 'tong si Ylana pwes! akala nyo lang yun, napakabungangera at sadista niyan. Pareho sila ni Ashlie kaya naman di sila magkasundo at madalas silang mag-away.
"Pera."- saad ko sabay lahad ko sa kamay ko, inabutan naman niya ko ng bente.
Bente, kuripot talaga nitong babaeng 'to.
Hindi naman na ko nagsalita at umalis na lang.
Ako na mapapagod sa pagpunta sa food court ako pa mag-aabono dahil malamang na kulang 'tong ibinigay niya.
Pagdating ko sa food court, agad akong pumunta sa booth ng section namin at bumili ng choco nut donut. Buti na lang at ibinigay sakin ng libre ng mga kaklase ko yung donut kasi first of all daw, kami ang dahilan ng mga kaibigan ko kung bakit nagkaroon ng ganitong klaseng celebration ng Valentines ang DIA.
Nagpasalamat naman ako sa kanila.
Nang makuha ko yung donut, agad naman akong pumunta sa bilihan ng softdrinks at bumili ng softdrink. Dahil di naman sakin sinabi ni Ylana kung anong softdrink, bumili na lang ako ng kahit ano. Nang paalis na ko sa food court, may nahagip ang mata kong isang babae. Nakaupo ito sa may fountain at may hawak itong maliit na termos sa kanan niyang kamay habang nakatitig sa cup noodles na hawak naman niya sa kaliwa niyang kamay.

BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano. An adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves, the biological child of Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks that...