Ice P.O.V
"Bakit."- walang emosyong saad sakin ni Devin.
Nandito ako ngayon sa hallway, naglalakad ako nang makasalubong ko siya at mapahinto ako at mapatitig sakanya. Umiwas naman ako ng tingin sa mukha niya at tumingin na lamang sa kaliwang braso niya na may benda.
Kung ganun diyan siya tinamaan..
"W- wala!"- saad ko sabay bulong.
"Mukhang ayos ka naman."- bulong ko sabay talikod ko sakanya.
"Sandali."- rinig kong sabi niya.
Tila otomatiko namang gumalaw ang katawan ko at humarap sakanya.
What the!!
"Tss.. diba sabi ko kagabi kahit anong mangyari wag kang lalabas ng dorm niyo? Nakita kita kagabi, sinuway mo ang utos! Buti na lang hindi ka sinaktan nila Red and Black mask na nagkataong nasa harapan ng dorm niyo. Bakit ba napakakulit mo!"- kunot noo niyang sabi.
Tila nabanas naman ako.
"Kasalanan ko ba na may tatanga-tangang tinamaan ng bala!?"- banas kong sabi.
Tila natigilan naman siya.
"A- ano?"- gulat niyang sabi.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang marealize ko ang sinabi ko.
"W- wala! Nevermind!"- saad ko sabay takbo ko ng mabilis paalis.
Shit! ano yung sinabi ko!? >__<
Nang makalayo na ko, agad akong huminto sa pagtakbo at sinabunutan ang sarili ko.
"Aarghh! Ano bang nangyayari sayo Ice!? Isa kana rin sa mga weird na tao ngayon! Bwiset!"- banas kong sabi at pagkatapos ay napaupo na lamang ako sa bench na nasa harapan ko.
"Ang weird, pakiramdam ko may kakaiba talaga sakin. May iba akong pakiramdam o nararamdaman sa mga tao dito... katulad na lang kila Vince at Devin. Tapos kagabi naman, yung Red at Black Mask. Bakit parang kilala ko sila? may iba akong naramdaman ng makita ko sila, tila kapareho ng nararamdaman ko tuwing nakikita ko sila Vince at Devin. Bakit pakiramdam ko.. kilala ko na sila dati pa?"- mahina kong saad sa sarili ko.
"Nakakabaliw..."- saad ko pa.
xxxxx
Devin P.O.V
"Ang labo.."- bulong ko sa sarili ko.
Nandito ako ngayon sa opisina naming Dark Cards. Ako lang mag-isa. Iniisip ko yung kanina, hindi yung sinabi ni Ice kundi yung inasta niya.
"Para talaga siyang si Darkiela."- saad ko.
Short Flashback>>
"Diba sabi ko sayo wag kang lalabas sa pinagtataguan mo? nahuli karin tuloy ni Manong Butler! natalo tuloy tayo sa tagu-taguan!"- galit kong saad kay Darkiela.
Tila nainis naman siya at kinunutan ako ng noo.
"Kasalanan ko ba na may tatanga-tangang nagpahuli agad tapos nadapa kaya nasugatan siya? kasalanan ko bang nag-alala ako sayo kaya ako lumabas sa pinagtataguan ko!? Ewan ko nga sayo diyan!"- sigaw niya sabay nguso at crossarms.
Natigilan naman ako at pagkatapos ay natawa na lamang ako sakanya.
"Napakashort tempered mo talaga. Oo na, sorry na."- saad ko at pagkatapos ay napakamot na lamang ako sa ulo ko.
Flashback End>>
"Si Ice at Darkiela.. parang iisa talaga sila."- saad ko.
Pero kung iisa sila.. bakit walang tattoo sa likod si Ice? at isa pa, bakit hindi niya kilala si Headmaster June na Tito niya at... ako, bakit hindi niya ko kilala?
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano, an adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves- the biological child of the Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks t...
