Chapter 60: We're Going Back

9K 317 15
                                        

Devin Pov~

"King! King!"- sigaw ni Bryan pagkapasok nya dito sa Dorm nila Ice kung saan ako naroroon.

Agad ko naman syang tinignan.

"Problema mo..."- saad ko sabay balik ko sa pagtunganga.

"K- King! Nakahanap na ko ng lugar kung saan may signal."- mahina nyang saad na sapat upang marinig ko.

Tinignan ko naman sya ulit.

"T- talaga?"- saad ko sabay tayo ko.

Tumango naman si Bryan.

"Sa likod ng school, doon po sa tabi ng isang maliit at nakakandadong silid doon sa tabi ng malaking hukay."- saad ni Bryan.

Nataranta naman ako at agad kong kinuha ang coat ko.

"Magandang balita, Tatawagan ko si Ice!"- saad ko nang....

"Tinawagan ko po si Ashlie, at nabanggit nya po sakin si Ice. Simula daw po nung nakauwi sila isang buwan na ang nakalilipas..... Hindi na daw nila ito makausap dahil bukod sa lumalabas lamang daw po ito ng kwarto kapag kakain lamang.... Hindi daw po ito namamansin. Hindi daw po nila malaman kung anong nasa isip nito."- saad ni Bryan.

Panandalian naman akong natigilan.

"Iniisip po nila Ashlie na baka.... Wala na daw po itong plano na bumalik."- saad ni Bryan na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi totoo yan! Babalik sya! Sadyang Hindi pa lang sya makaisip ng Paraan!!"- pagtataas ko ng boses sabay lakad ko palabas ng Dorm nila Ice.

Dark Island Academy 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon