Ice POV
"Damn Ice! tama na!"- daing ni Grey.
"Sandali na lang matatapos na! Wag kang malikot bwiset 'to mashu-shoot ko na!"- saad ko habang seryosong-seryoso ako sa ginagawa ko.
"Tama na! Wag na nating ituloy 'to!"- kunot noo niyang sabi sabay hawak niya sa magkabila kong balikat, dahilan para tumigil ako.
"Tss.. kalalaki mong tao.. BINUBUTASAN KA LANG PO SA TAINGA HINDI KA TINUTULI! TULI KANA DIBA?"- pagtataas ko sa kanya ng boses kasabay nang pag-irap ko sa kanya.
Napatingin naman samin ang mga taong papasok sa airport.
"Bakit ba kasi kailangan ko pang maghikaw? Ayokong maglagay ng hikaw! Magmumukha akong bakla!"- pagtataas niya ng boses.
"Bakit, hindi ba?"- nakangisi kong sabi.
Nagpoker face naman siya kasabay ng pagkamot niya sa kanyang ulo.
"Tch! kung hindi lang kita kaibigan baka ginahasa na kita."- banas niyang sabi sabay talikod niya sakin.
"Nasaan naba si Ashlie pati si Ylana? Mahuhuli na tayo sa biyahe."- saad ni Grey sabay tingin niya sa wrist watch niya.
"Magandang makarating agad tayo sa Dark Island Academy para makapagpahinga tayo at masimulan na ang pakay natin dun."- saad pa niya.
Naging seryoso naman bigla ang mukha ko.
Reign Daves, ililigtas kita diyan sa Dark Island Academy na yan. Ilalabas kita sa lugar na yan alang-alang sa mga magulang mo na kumupkop at nagpalaki sakin, utang na loob ko sa kanila ang aking buhay kaya naman iaalay ko ang buhay ko para mabigyan sila ng kabayaran sa pagiging pamilya at magulang nila sakin.
Ibabalik kita sa kanila.
"Ehem! Nandito na ang dalawang maganda."- rinig kong saad ni Ashlie.
Agad ko naman silang nilingon.
"Maganda? Pwe! San banda?"- nakangiwi kong sabi.
Ngumuso naman siya.
"Ice naman, kahit ngayon lang na papunta tayo sa pinaka-mapanganib na lugar sa Pinas pagbigyan mo kong mangarap at umasa kahit masakit!"- emote ni Ashlie.
Binatukan naman siya ni Ylana na nasa likuran niya, marami itong bitbit na bag at masama ang pagmumukha.
"Manahimik ka diyang babaeng hayop ka! Halos dinala mo na buong kwarto mo! ILANG MINUTO AKONG NAGHINTAY SAYO PAGKATAPOS AKO PA PAGBIBITBITIN MO NG MGA BAG MO PESTE KA!"- sigaw ni Ylana sabay bagsak niya sa mga bag ni Ashlie na bitbit niya.
Napatingin naman samin ang mga taong papasok sa airport. ulit.
"Waahhh my precious bags! Hindi mo ba alam na mamahalin yang mga bags na yan!?"- pagtataas ng boses ni Ashlie kay Ylana.
Itinaas naman ni Ylana ang manggas ng suot niyang damit.
"Gusto mo bang banatan kita ngayon na?"- inis na inis na saad ni Ylana kay Ashlie.
Napailing naman ako.
"Wala pa man tayo sa Dark Island Academy magkakasakitan na agad kayo, paano pa kaya kapag nandun na tayo baka magpatayan na kayo."- kunot noo kong sabi.
Natigilan naman sila.
"W- what are you saying? H- hindi totoo yan! Sadyang nainis lang ako dito kay Ashlie, Ice naman! Parang di kana nasanay!"- saad sakin ni Ylana.
Natawa naman ako ng bahagya.
"Kayo rin, parang di rin kayo sanay na palagi ko kayong tinatakot."- nakangisi kong sabi.
Nagsi-ayos naman silang lahat dahil sa itsura ko.
"Dark Island Academy is a place where there is a little hunger games. 1 rule, kill as many as you can but don't you dare stop or else you will die. 1 mission, find the missing Queen, she is the only daughter of the owner of that Island and that Academy. Find the Queen and be alive until graduation comes."- seryoso kong sabi.
"Hindi natin alam ang laro na ipalalaro nila satin pero tiwala ako, tiwala akong makakaya natin 'to! Walang talikuran, walang trayduran, walang taksilan at lahat ng makasisira satin ay BAWAL! We have a mission and that is to find Reign Daves. Wag niyong kalilimutan, magtutulungan tayo roon at makalalabas ng buhay."- saad ko.
Ngumiti naman silang lahat.
"We will do what the leader said, makakaasa ka."- saad ni Ashlie na bahagya pang nag-bow.
"Nagpresenta kaming sumama because we don't want you to go on your own, we cannot let you do that kaya naman, don't think that we will do anything stupid once we arrive on that island at lalong-lalo na kapag may nangyayaring hindi maganda sa kahit na sino man sa atin. We rather die together."- saad ni Ylana.
Tinignan ko naman si Grey.
"Bilang lalaki, ako ang magiging guard niyo. Sa likod niyo lang ako nakaalalay."- saad ni Grey.
Ngumiti naman akong muli.
"So its cleared, there's nothing to be worried about. Let's go inside so we can arrive at Dark Island early."- saad ko.
"Ayy wait!"- saad ni Ylana.
Tinignan ko naman siya.
"Nasa loob ng bag ko yung mga sandata natin, hindi kaya bawal sa loob ng airport?"- saad ni Ylana.
Natawa naman akong muli ng bahagya.
"We're going to Dark Island, exempted tayo niyan. Alam nila kung gaano kadelikado roon."- saad ko.
"Hmm.. ganun ba? Okay! eksoyted na mehh!"- saad ni Ylana sabay ayos niya sa damit niya.
Napabuntonghininga naman ako.
"Lets go."- saad ko sabay lakad ko papasok sa airport.
Dark Island Academy..
Reign Daves..
Here we come!

BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 1
Mystery / ThrillerHighest Ranking #1 in Games and Darkness, #2 in Cards, #9 in Mystery/Thriller. Ice Rogiano. An adopted child of Daves Family who just want to save Reign Daves, the biological child of Daves Family whose stuck in Dark Island Academy. She thinks that...